top of page
Ruffa G at Herbert - IG iloveruffag.jpg

Kahit ‘di nagkatuluyan, friends pa rin daw… RUFFA, TODO-PASALAMAT SA HAPPY MEMORIES NILA NI BISTEK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 17, 2026



Herbert at Ruffa

Photo: File



Last year pa (2025) nagkaroon ng problema ang relasyon nina Ruffa Gutierrez at Herbert ‘Bistek’ Bautista. Hindi na sila nag-uusap noon at wala nang komunikasyon sa isa’t isa. 


Pero nagawa nilang itago ito sa lahat, maging sa media, at marami ang nakapansin na wala nang post si Ruffa ng mga larawan nila ni Bistek. Tahimik na lang ang kani-kanilang kampo.


Pero last May 12, kasabay ng 58th birthday ni HB, nagbigay si Ruffa ng update sa dati nilang relasyon. 


Nagpasalamat si Ruffa sa mga happy memories nila together noong sila pa. Thankful din siya kay Bistek dahil ito ang nag-encourage sa kanya na muling mag-aral at bigyan ng halaga ang edukasyon. 


Si Bistek din ang nag-inspire kay Ruffa upang mahalin ang sarili, mag-level-up, at palawakin ang kanyang kaalaman.


Nabanggit din ni Ruffa na kasundo ni Bistek ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice. First date pa lang nila ni Bistek ay kasama na nila ang kanyang mga anak. Kung nagdesisyon man sila ni Bistek na magkani-kanyang journey, mananatili pa rin silang magkaibigan. 


Hindi makakalimutan ni Ruffa ang mga lessons in life na natutunan niya sa dating mayor ng Quezon City. Puro papuri at magagandang salita lamang ang nasabi niya kay Herbert Bautista, at wala siyang regrets na naging bahagi ito ng kanyang buhay.





EXCITING para sa mga fans nina Dennis Trillo at Ruru Madrid ang pagsasama nila sa action series na Hari ng Tondo (HNT). Si Ruru Madrid ang bida sa serye, samantalang si Dennis ay gaganap na kontrabida.


Matatandaang maganda ang feedback noon sa pelikulang Green Bones (GB) na pinagbidahan nina Dennis at Ruru. May chemistry ang kanilang pagsasama. 

Malaking serye ang HNT ng GMA-7 na remake ng isang pelikula na kumita noon sa takilya.


Mahusay na aktor si Dennis Trillo kaya tanggap siya kahit sa anong klaseng role. Isa siyang versatile actor at ilang beses nang pinarangalan ng acting awards. 


Tahimik lang si Dennis at walang ere, alam niya ang kanyang worth at hindi siya nai-insecure kahit kaninong aktor. Respetado rin siya ng mga direktor na kanyang nakakatrabaho.





MARAMI sa mga nakapanood sa guesting ni Miguel Tanfelix sa The Master Cutter (TMC) ang na-impressed sa mga eksena niya kasama si Dingdong Dantes. 


Action star na rin ang porma niya at handa na rin sa mature roles. Bumagay kay Miguel ang bago niyang hairstyle at tuluyan nang nabura ang kanyang dating bagets look.


Tiyak na maraming mga fans ang kikiligin sa bagong image ni Miguel. Kaya dapat na bantayan ng GMA-7 ang patuloy na pagbibigay sa kanya ng magagandang projects upang mas mahasa pa ang kanyang pagiging serious actor.


Maging si Dingdong Dantes ay nagsabing mahusay na aktor si Miguel Tanfelix at napahanga siya sa kanilang eksena. Binigyan ni Dingdong si Miguel ng mga pointers kung paano gawin ang mga action scenes. 


Well, kakayanin kaya ni Miguel Tanfelix ang mga stunts na walang double?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page