top of page

Kahit break na… VG MARC, SUOT PA RIN ANG SINGSING NA BIGAY NI KRIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 15, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 15, 2023




“The last time I checked, I left my heart in America.”


Ito ang natatawang sagot ni Batangas Vice-Governor Marc Leviste nang tanungin ni Aster Amoyo kung kumusta na ang kalagayan ng puso nito ngayon.


Nagpaunlak ng panayam si VG Marc sa vlog ni Tita Aster na TicTALK with Aster Amoyo at siyempre, isa sa mga napag-usapan nila ay ang relasyon niya kay Kris Aquino na as we all know ay naninirahan ngayon sa Los Angeles for her medical treatment.


Sey pa ni VG Marc, “Sa aking pagkakaalala, ibinigay at ipinaubaya ko ang aking puso sa taong mahal ko.”


Bagama’t walang pangalang binabanggit, very obvious naman na si Kris ang kanilang pinag-uusapan.


Natanong din kung dumating ba sa time na nag-propose siya sa taong mahal niya at hindi na sinagot ni VG Marc ang tanong.


“I’ll tell you off-air,” sey niya kay Tita Aster.


Pero inamin naman niyang ready siya anytime to settle down with the person he loves since alam naman din ng lahat na annulled na siya sa dati niyang asawa.


When asked kung gaano niya kamahal ang taong mahal niya, sey ni VG Marc, “Can I keep that private?” sabay-tawa.


“But I think, I cannot deny my expression, even my joy says it all. So, I'm proud of where I am, I’m proud of my love, I’m proud of what we have,” he said.


Sa tanong kung hindi naman ba nagbago ang kanyang pagmamahal, aniya ay hindi raw.


“As far as I’m concerned, walang nagbago sa akin,” sey ng pulitiko.


Tanong ulit ni Tita Aster, “Mahal mo pa rin siya?”


Natawa si VG Marc and said, “Mahal ko siya.”


Iginiit din niya na genuine ang kanyang feelings for Kris, again without mentioning her name.


Pinuna ni Tita Aster na suot pa rin ng Batangas Vice-Governor ang Trinity ring na bigay ni Kris.


Sey niya, “Through thick or thin, Tita Aster, lagi ko pong suot ang singsing na galing sa kanya.


To symbolize, to show my love, my value for friendship and my fidelity.”


Dahil sa mga sinabi ng pulitiko, nalito kami kung sila pa rin ba ni Kris or nagkabalikan ba or nag-break ba in the first place.


Matatandaan kasing kamakailan lang ay sinabi ni Kris that she’s not in a relationship.


“I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and I feel more PEACEFUL. No details because I value my privacy and respect his, and I chose to only give the FACTS that should be addressed,” ang pahayag ni Kris sa kanyang Instagram page.


Pero kung pagbabasehan ang mga sinabi ni VG Marc, mukhang para sa kanya ay sila pa rin ni Kris.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page