top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit 3 months pa… Christmas rush, ready na ang MMDA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | September 23, 2022



Puspusan na ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga mall para sa nalalapit na Kapaskuhan na sinabayan pa ng pagluluwag ng mga protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Ayon kay MMDA Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga, nasa 10 hanggang 15 porsiyento na ang nadagdag sa volume ng traffic na kanilang namataan sa ngayon.


Gayundin aniya, nasa 400,000 sasakyan na kada araw ang bumabagtas sa mga lansangan sa Metro Manila.


Patuloy naman ang MMDA sa kanilang isinasagawang clearing operations partikular na sa Mabuhay Lanes.


Ayon pa kay Dimayuga, makikipagpulong na rin ang ahensiya sa mga mall operators hinggil sa mga sale na isasagawa nito, operating hours at oras ng delivery ng mga ito para makabawas din sa mararanasang Christmas rush ng publiko.


“Kakausapin po natin sila na ang mga sale bawal na po on a weekday. Pagkatapos po ‘yung kanilang operating hours if they can extend it para hindi po nara-rush ang tao,” pahayag ni Dimayuga.


“And sa tingin ko ‘yung deliveries isa pa po bagay ‘yan. Kung pwede po ‘yung deliveries ay ma-extend din po or sa gabi na lang po gawin ang kanilang deliveries,” sabi pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page