Kahit 3 lang ang anak… MANSIYON NINA JENNYLYN AT DENNIS, MALA-MALL SA LAKI
- BULGAR

- 9 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 13, 2026

Photo: FB Dennis Trillo
May update si Dennis Trillo sa ipinapatayo nilang bahay ni Jennylyn Mercado at sa ipinost niyang photos, malapit na itong matapos.
Ang laki ng bahay at parang dalawa ito na may connecting bridge na para raw mall. Ang isang wing ng bahay ay three-storey, ganoon kalaki.
Sabi ni Dennis, “Kung magsisikap at gugustuhin ang mga pangarap, balang-araw ay matutupad din.”
Nakakaaliw ang mga comments na sa lugar nila, kapag ganoon kalaki ang bahay, ang tawag nila ay city hall. May comment naman na mansion ang ipinapagawa nina Dennis at Jennylyn at may nagsabi namang parang Malacañang sa laki.
Kung marami ang nag-congratulate kina Dennis, may mga hate comments pa ring nakasingit. Bakit daw kailangang i-flex nina Dennis ang house nila at may comment pa na kahit anong pagsisikap ang gawin nila, malabo pa ring makapagpagawa sila ng bahay na kasingganda at kasinglaki ng bahay ng aktor dahil ang laki ng agwat ng kanilang suweldo.
Anyway, ngayon pa lang, may mga request na ng house tour kina Dennis at Jennylyn. Curious ang mga netizens na makita ang loob ng bahay ng mag-asawa at kung bakit malaki, eh, tatlo lang daw ang anak nila. Ano raw ba ang gagawin nila sa ibang parte ng bahay?
Naniniwala ang mga netizens na tuloy ang kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co dahil sa lumabas na photo ng pamilya ng aktres na nasa airport.
Ang caption ng post na ‘yun ay “@beaalonzo fam is now in SPAIN.”
Kasunod nito, may post si Dimples Romana na selfie nila ng husband niya, walang caption, pero may picture ng airplane. Ang dating nito sa mga nakakita ng post ni Dimples, lumipad sila ng asawa sa Spain para sa kasal nina Bea at Vincent.
Hindi naman daw lilipad pa-Spain ang mag-asawa kung magbabakasyon lang sila.
May nag-comment pa nga na ‘Maid of Honor’ daw siguro si Dimples sa wedding nina
Bea at Vincent dahil BFF sila ni Bea.
In fact, may post si Bea na kasama nila ni Vincent si Dimples at husband nito.
Dahil dito, binabantayan kung lilipad din ang ibang best friends ni Bea na sina Beatriz Saw, John Lloyd Cruz, at mga friends niyang sina Heart Evangelista, ang manager na si Shirley Kuan, Dr. Aivee Teo, Mr. Johnny Manahan at iba pang close sa aktres.
As of yesterday, wala pang balita kung may mga lumipad na sa mga nabanggit.
May nabasa kaming post na puro fake news daw ang lumabas patungkol sa wedding, wala raw prenuptial agreement, walang family conflict at tuloy ang kasal.
May 13 na ngayon at bukas, May 14, ang sinabing wedding date matapos unang mapabalita ‘yung May 16. Malalaman ang sagot sa mga naglabasang isyu bago ang kasal.
SOLD-OUT ang mga tickets sa two nights concert ni Wilbert Ross kahit sa July 25 at July 26, 2026 pa gaganapin sa New Frontier Theater. Ang second night concert nga ni Wilbert, within one hour, agad nag-sold-out.
Dapat, one night lang ang concert, pero dahil sa maraming request, nagkaroon ng second night. Sa dami pa ng request, baka magkaroon ng repeat ang WRten by Wilbert Ross na sabay ng 10th anniversary ng singer-actor.
Sa mga comments, marami ang naghahanap ng mabibiling tiket dahil naubusan. May nalungkot na hindi sila nakabili ng tiket dahil walang pambili, sa mall tour na lang daw nila ito pupuntahan.
Marami rin ang nag-congratulate kay Wilbert at sabi ng mga fans, masaya sila para sa kanya. Deserve raw nito ang two nights sold-out concert dahil mabait, masipag siya at mahal niya ang mga fans.
Naalala namin minsang sinabi ni Wilbert sa isang interview na sana dumating ang panahon na hindi na nila kailangan ang name card para makilala siya ng mga fans.
Parang dumating na ang araw na ‘yun, kilala at sikat na siya at patunay ang mabilis na pag-sold-out ng tiket sa concert niya.
Malalaman natin kung sino ang guests ni Wilbert Ross sa concert at kung kasama sa magge-guest ang ka-love team niyang si Bea Binene.





Comments