Search
  • BULGAR

Kahihiyan ng BF na pulitiko… SIGAW NG NETIZENS: ALEX, GUMAWA NG KALASWAAN PARA SA PERA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 10, 2021




Hindi nagustuhan ng fiancé ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada ang ginawang latest TikTok video ng aktres-vlogger.


Sa Breast Dance Challenge, nagsayaw si Alex and after a while, may hinugot na pandesal yata sa kanyang magkabilang dibdib saka ito kinain.


Kaya naman, nag-react si Mikee na ang pangit ng ginawa ng GF.


Maraming netizens din ang naloka sa ginawa ng younger sis ni Toni Gonzaga at ilan lang ang mga ito sa mga reaksiyong nabasa namin…


“Funny siya nu'ng nag-i-start pa lang mag-vlog, sumobra na sa papansin ngayon, naubusan na ng ideas kaya kung anu-ano na lang ginagawa kahit annoying na. Pulitiko pa naman at napakadisente ng bf.”


“Kunwari, may away para may issue at panoorin. So showbiz. Eklaburrr.”


“Hindi nga talaga maganda... Ako nahiya sa BF niya.”


“Kadiri talaga and to think Christian siya at idinawit pa talaga ang katagang “Bread of Life” sa kabalahuraan niya.”


“Formal at pulitiko kasi si Mikee, tapos 'yung gf niya, baduy at jologs, hindi classy.”


“Bakit parang ako 'yung nahihiya for Mikee? Hahaha! 'Di ko nga alam kung ano'ng nagustuhan ni Mikee sa babaeng 'yan. Napakaingay, napaka-rude, napaka-annoying. Isa sa mga pinakaayaw ng mga lalaki, eh, 'yung bungangera... And she's all that. Ewan ko kung magtatagal ang married life nila. 'Pag ganyan ang kasama mo sa bahay, dapat may pasak lagi ang tenga mo para makatagal ka.”


“Ang cute ng boyfriend niya, haha! Kita mo talaga na mahal siya. I like Alex, sorry, mga baks, haha! 'Di kasi siya shy maging baliw. Parang no boring moments with her, ganern. Minsan lang, ayaw ko nagsasabi siya ng bulgar words like 'yung pupu, ganyan.”


“Nakakahiya sa pamilya Morada.”


May napuna naman ang isang netizen sa sinabi ni Alex, “Tinawag niya ng "Mister" yey! Kaka-excite announcement. 'Yung pandesal video, HAAHHAHAHA!”


“Hmmm, I enjoy Alex's vlogs but this one is distasteful.”


“Hindi ba siya nahiya sa magiging in-laws niya? She is so unrefined.”


Pinagsabihan din ng netizen ang kapatid ni Toni, “Balahura para lang may mai-Tiktok lang, hindi inisip ang fiancé na politician. Act your age, 'di lahat nakakatawa!”


“Sana, maisip ni Alex she'll be carrying the Morada name. A respected family sa Batangas. Konsehal pa si Mikee.”


Naku, sana ay i-consider ni Alex ang mga komento ng mga netizens na na-turn-off sa ginawa niya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.