top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Dolyar na ang kita… XANDER FORD, TAKOT NA TAKOT MAI-REPORT ANG TIKTOK ACCOUNT, TODO-PAKIUSAP

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | October 17, 2026



SPECIAL ARTICLE - XANDER FORD, TAKOT NA TAKOT MAI-REPORT ANG TIKTOK ACCOUNT, TODO-PAKIUSAP_Tiktok Xander Arizala

Photo: Tiktok Xander Arizala



Halos maiyak si Xander Ford habang nakikiusap sa mga netizens na huwag i-report ang kanyang livestream dahil sayang umano ang $150 o P9,400+ na kinita niya sa TikTok (TT).


“Guys, ‘wag naman kayo mang-report. Sayang ‘yung $150 ko, guys. Sayang ‘yun!” pakiusap ni Xander.


“Guys, please naman, ‘wag na kayo mang-report. Kung gusto n’yo rin po, mag-live rin po kayo kung ‘di po kayo masaya sa ‘kin. Mag-live din naman po kayo. Sayang naman po ‘yung kinita ko ru’n,” dagdag pa niya.


Samantala, samu’t saring reaksiyon naman ang ibinahagi ng mga netizens kaugnay sa panawagan ni Xander:


“Kindness is free, mga kaibigan. Kung ‘di man tayo makakatulong, sana ay maging mabuti na lang tayo sa kapwa. Wala pong perpekto sa ‘tin. Be kind.”


“Alam n’yo, hayaan n’yo na lang ‘yung tao at lumalaban naman ‘yan nang patas para sa anak n’ya.”


“Ganyan talaga ang ibang Pinoy! ‘Di mo malaman kung inggit o kung ayaw ka lang talagang nakikitang masaya. ‘Kaloka!”


May netizen naman na nagsabing “Yabang now, iyak later. Wala talaga sa una ang pagsisisi, puro sa huli.”


“‘Yan kasi, nanghusga ka rin naman kay Kath noon.”

Kaugnay ito sa pagtanggap ni Xander ng pera mula sa mga bashers na inamin niya noon sa isang interview para laitin si Kathryn Bernardo sa socmed (social media).


Sey niya noon sa aktres, “Ang pangit ni Kathryn Bernardo. Sakang na, pangit pa!”

Well, simula nang magparetoke ng buong mukha si Xander Ford, na ang tunay na pangalan ay Marlou Arizala, mas dumami ang kanyang mga bashers. Ang iba, hindi tanggap ang transformation niya o ‘di kaya’y basag-trip lang.





NANAWAGAN ang aktres na si Krystel Go ng respeto at pagtanggap sa mga persons with disability (PWD) kasunod ng backlash sa mga pahayag ng mga hosts ng podcast na Machong Chismisan tungkol kay Joshua Aquino, anak ni Kris Aquino, na ‘walang kuwenta’ at ‘nakatunganga lang kahit P3,000 ang baon’.


Si Krystel, na may Down syndrome, ay bumida sa pelikulang I’mPerfect at nagwagi bilang Best Actress sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).


Sa isang Facebook (FB) post, nagsalita ang aktres laban sa pangungutya sa kapansanan ng isang tao at iginiit na nararapat lamang na tratuhin nang may dignidad at respeto ang mga PWD.


“I STAND FOR RESPECT. I STAND FOR INCLUSION,” pahayag ni Krystel.

Aniya pa, “As a person with Down syndrome, I believe na bawat isa sa ‘tin ay deserves respect, kindness, and understanding. ‘Di po dapat gawing joke ang disability ng isang tao. We have feelings, dreams, and talents too.



“We deserve to be treated with dignity, not used for entertainment or content,” saad pa ng aktres. 

“‘Di po kami humihingi ng awa. We are asking for RESPECT,” dagdag pa niya.

“PWD man po kami, we have dignity, we have a voice, and we matter, too!” diin ni Krystel.

Samantala, pinasalamatan ni Krystel ang Down Syndrome Association of the Philippines, Inc. (DSAPI) sa pagpapahayag ng suporta sa kanilang komunidad. Tinapos ng aktres ang kanyang post sa pamamagitan ng mga hashtag na #RespectPWDs, #InclusionMatters at #DownSyndromeAwareness.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page