top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Kagawad, timbog sa baril at droga

Writer: BULGAR
BULGAR
22 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 22, 2026



Kagawad, timbog sa baril at droga

Photo: FIie



Arestado ang isang 43-anyos na barangay kagawad na itinuturing na high-value target (HVT) ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Labangan, Zamboanga del Sur nitong Biyernes ng madaling-araw, Nobyembre 20.


Batay sa pulisya, ipinatupad ang mga search warrant laban sa suspek sa Brgy. Bulanit kaugnay ng umano'y paglabag sa mga batas laban sa ilegal na droga at baril.

Nakumpiska sa operasyon ang hinihinalang shabu, improvised 12-gauge shotgun, 36 na bala at iba pang kagamitan.


Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 laban sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page