top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kagawad, pinagbabaril ng riding-in-tandem, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | March 25, 2022



Todas ang isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang lalaki sa Oriental Mindoro, nitong Huwebes ng gabi.


Isinugod pa sa Grace Mission Hospital ang biktimang si Aldrin Magtibay, barangay kagawad, ng Barangay Calucmoy, Socorro, Oriental Mindoro, subalit idineklara ring dead-on-arrival makaraang magtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 9mm.


Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagpapahinga si Magtibay sa kanyang kubo nang lapitan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki at pinagbabaril ang biktima, bandang alas-7:00 ng gabi.


Ayon kay Socorro Municipal Police Station (MPS) chief Police Major Marfredo Dulatre, love triangle ang tinitingnan nilang motibo sa krimen.


Agad namang tumakas ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.


Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek para sa ikadarakip ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page