Kagawad, kulong sa baril, P3M puslit na yosi
- BULGAR

- 18 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | September 7, 2026

Photo: File
Himas-rehas ang isang barangay kagawad dahil sa pag-iingat ng ilegal na baril at mga bala at halos P3 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa Brgy. Putik, Zamboanga City.
Inaresto ang suspek na si Mahamud Tan Arao, Jr., 38, sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 12 sa Zamboanga City, batay sa impormasyong nakalap ng mga operatiba ng Zamboanga City-CIDG Task Force Zamboanga at PNP Special Action Force.
Nakumpiska kay Arao ang isang kalibre 9mm pistola at kalibre 45 na baril, at iba't ibang uri ng mga bala.
Nakasamsam din ang mga otoridad ng halos tatlong milyong pisong halaga ng sigarilyo na hinihinalang smuggled dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento.





Comments