top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

“Kadiwa ng Pasko”, tuloy hanggang Dis. 31 – DA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | November 19, 2022



Magtutuluy-tuloy pa ang “Kadiwa ng Pasko”, na inisyatiba ng administrasyong Marcos, na halos tuwing payday o araw ng sahod na ilalagay hanggang sa katapusan ng taon, ayon sa Department of Agriculture (DA).


“Ang instruction po ay ipagpatuloy ang ‘Kadiwa ng Pasko’ hanggang matapos ang taon, every payday, every other two weeks,” pahayag ni DA Agri-business at Marketing Service officer-in-charge Director Joubert de Sagun sa isang interview ngayong Sabado.


Noong Miyerkules, ang Kadiwa ng Pasko project ay inilunsad nationwide ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siya ring nagsisilbing kasalukuyang kalihim ng DA.


Layon ng proyekto na makapag-provide ng isang palengke sa mga local agricultural producers ng bansa habang kasabay nito ang pagbibigay ng access sa publiko ng mga abot-kaya at de-kalidad na mga produkto.


Ang mga konsyumer ay maaaring makabili ng National Food Authority (NFA) rice ng mas mababa sa P25 kada kilo sa Kadiwa ng Pasko rolling stores.


Sa naging mensahe ng Pangulo nang inilunsad ang proyekto, sinabi nitong malapit nang makamit ng gobyerno ang minimithing pagbaba ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo.


Kaugnay nito, nasa 14 sites ang binuksan ng sabay-sabay sa buong bansa, 11 rito ay sa National Capital Region (NCR), isa sa Tacloban City, isa sa Davao De Oro, at isa sa Koronadal City, South Cotabato.


Gayundin, ang DA ang nagsisilbing lead agency ng naturang proyekto.


Kabilang naman sa mga support agencies ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE).


“Ang konsepto ng Kadiwa ay direct from producers to consumers... 'Yung mga lugar na pinaglalagyan nito ay walang bayad sa renta, walang middleman kaya mababa ang presyo ng mga produkto,” saad ni De Sagun.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page