Kabuhayan Loan ng BDONB, katulong sa pag-asenso ng MSMEs, OFs at kanilang pamilya
ni Fely Ng - @Bulgarific | June 14, 2021

Nagbigay ng mga praktikal na financial managements tip at mahalagang pananaw tungkol sa pagpapalago ng negosyo sina Randell Tiongson, Registered Financial planner at Karen L. Cua, BDO Network Bank Senior Vice President and MSME Group Head kasama si Dubai-based SME advocate Josie Conlu bilang host.
Hello, Bulgarians! Isinagawa ng BDO Network Bank (BDONB) kamakailan ang kanilang Go Negosyo talk show na pinamagatang “Kayang-kaya Kabayan”. Layunin ng talk show na magbahagi ng financial management tips at valuable insights pagdating sa mga sustainable at adaptable business opportunities hindi lamang para sa mga local Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs), kundi pati na rin sa mga Overseas Filipino Workers (OF’s) at kanilang mga beneficiaries.
Pinangunahan ni SME Advocate Josie Conlu ang talakayan tungkol iba’t ibang financial challenges na kinahaharap ng ating mga OFWs abroad. Nagbahagi rin siya ng mga opportunities na maaari nilang subukan pagkatapos nitong pandemya.
Naroon din si Randell Tiongson, registered financial planner and advocate ng Life & Personal Finance, na nagbahagi ng preparedness at adaptability tips kung paano i-manage ang income at kung papaano mag-impok para sa emergency funds. Kabilang dito ang pag-shift sa mga essential business, paggamit ng online platforms at pagdagdag ng stocks.
Napag-usapan din ang importansiya ng MSMEs sa pagpapalago ng lokal at nasyunal na ekonomiya.
“Ang pag-unlad ng Pilipinas ay nakasalalay sa pagsulong ng mga MSMEs. Sa paglago ng mga MSMEs, gaganda ang kinabukasan nila at ng kanilang pamilya. Dahil dito, tinatawag na “growth engine” ng ekonomiya ang mga MSMEs,” ani BDONB Senior Vice President and MSME Group Head Karen Cua.
Dagdag pa niya, ang mga MSMEs ay ang nagpapatakbo ng ekonomiya ng ating mga komunidad dahil nakapagbibigay ito ng trabaho, produkto at serbisyong kailangan sa pang araw-araw.
Ayon sa data ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang MSMEs ay isang kritikal na sektor ng ating bansa dahil they account for 99.5% ng business enterprises, 62.4% ng total employment, at 35.7% ng gross value added. Maliban dito, sila rin ay nagsisilbing valuable partners at suppliers ng mga malalaking enterprise.
Kaya’t patuloy na sinusuportahan ng BDONB ang mga MSMEs upang mapanatili at mapalago ang kanilang operasyon sa gitna ng pandemya.
Ang dating OF na si Ernesto Abad, isang electrician na nagtrabaho sa Saudi Arabia, ay nagbahagi ng kanyang kwento kung paano nakatulong ang BDONB at ang Kabuhayan Loan sa kanyang pamilya at sa kanilang negosyo, lalo na ngayong pandemya.
“Dahil sa sitwasyon ng lockdown, ang buwanang padala ng asawa ko na nasa abroad ay natigil, kaya’t napakaganda ng pag-alok sa akin ng BDO [Network Bank] upang maipagpatuloy ko ‘yung aking negosyo kahit sa panahon ng pandemic,” ani Abad.
Bilang trusted partner ng mga MSMEs sa business growth at sustainability, handog ng BDONB ang Kabuhayan Loan upang mabigyan ang mga MSMEs ng access sa additional capital at investment para sa kanilang stocks, sa pag-expand at pagpapalago ng kanilang negosyo at sa pagbili ng mga business assets gaya ng delivery trucks at iba pang kailangang equipment.
Ang Kabuhayan Loan ay mayroong mabilis at simpleng application process para sa pagpapa-utang sa mga negosyante ng mula P30, 000 hanggang P1,000,000 na hindi nangangailangan ng collateral. May installment options ito na 12 months hanggang 24 months, depende sa kakayahan ng borrower na magbayad. Meron din itong kaakibat na Credit Life Insurance na nagsisilbing proteksiyon ng pamilya laban sa financial burden.
Ang BDO Kabuhayan loan ay available sa lahat ng BDONB branches. Para ma-qualify sa loan, ang borrower ay dapat mayroon existing na negosyo for at least three years at nagge-generate ito ng weekly sales na hindi bababa sa P15,000. Mag-submit lamang ng valid ID, business permit at proof of sales. Maaari ring mag-apply online via www.bdonetworkbank.com.ph.
Mula May 17 hanggang July 16, 2021, 30 lucky applicants ang mananalo ng Kabuhayan Package na tig-P10, 000 worth of grocery goods o SM appliances. Para sa mga inquiries tungkol sa promo, mag-send lamang ng private message sa BDO Network Bank PH Facebook page o bisitahin ang www.bdonetworkbank.com.ph/kabuhayan-loan.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments