Kabit, kayang-kayang ipapatay... P5K lang halaga ng buhay sa ‘Pinas
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 31, 2026

Photo: FB / Circulated
Ginamit ni Vice President Sara Duterte ang isang hypothetical na halimbawa ng pag-upa ng gunman sa halagang P5,000 upang igiit na hindi maaaring ipalagay ng International Criminal Court (ICC) na lahat ng umano'y biktima sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay napatay dahil sa kampanya kontra ilegal na droga.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga tagasuporta sa The Hague, Netherlands, sinabi ni Duterte na ang pagpapatupad ng isang programa ng pamahalaan, mabuti man o masama, ay hindi awtomatikong maituturing na crime against humanity.
“Now, the implementation of a program, whether it was good or bad, is not a crime against humanity,” aniya.
Upang ipaliwanag ang kanyang punto, nagbigay siya ng isang hypothetical na sitwasyon.
“I have a husband. My husband has a mistress. I can hire a gunman for 5,000 pesos to kill the mistress. That is how—for 5,000 pesos—that is how bad gun violence in the Philippines is,” ani Duterte.
Ayon pa sa Bise Presidente, maaaring iba-iba ang motibo sa mga pagpatay, gaya ng crime of passion, alitan sa relasyon, o holdap.





Comments