top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kabayanihan ng mga sumaklolo sa nasalanta, kilalanin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 17, 2020


Sa lahat ng pagkakataon, hindi nawawala ang mga taong tila bayani.


‘Yung tipong handang magsakripisyo at mag-alay ng buhay para sa kapwa.


Tulad nitong pagkatapos manalasa ng Bagyong Ulysses, kani-kanyang diskarte ang ilan, hindi lang para maisalba ang sarili kundi maging ang buhay ng ibang tao.


Kaugnay nito, itinuturing na bayani ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang dalawang tauhan ng ahensiya na sina Joel Chur-ig at John Duclog, na nagsasagawa ng road clearing operation at nasawi sa landslide sa Ifugao dulot ng Bagyong Ulysses.


Sa kabilang banda, itinuring ding bayani ang rescuer na si Henry Villarao, na nakatalaga sa Fisheries Protection and Law Enforcement Office ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nang makuryente at namatay habang nagsasagawa ng rescue operation sa mga na-trap sa bahay na nalubog sa baha sa Tuguegarao City.


Sa totoo lang, nakakatuwa na nakalulungkot dahil may mga ganitong klase pa rin ng tao.

Nakakatuwa dahil may taong handang magbuwis ng buhay para makapagsalba ng iba pang buhay.


Nakakalungkot lang dahil hindi sila napasalamatan sa kabutihang ito habang sila ay nabubuhay.


Samantala, pasalamatan din natin ang mga taong walang katungkulan sa gobyerno pero handang tumulong sa publiko. Sila ‘yung mga apektado rin ng kalamidad, pero nakahandang sumaklolo sa mga labis nangangailangan nang walang anumang kapalit.


Sana ay magsilbi silang inspirasyon sa publiko na lahat tayo ay may kayang gawin para makatulong sa kapwa.


Anumang panahon at pagkakataon, piliin nating makatulong sa anumang paraan na kaya nating gawin.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page