top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kabataan, ilayo ang sarili sa online sugal bago masira ang buhay

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2024
1 min read

@Editorial | Marso 18, 2024


Sinuportahan ng mga mambabatas ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga online gambling kung saan maraming kabataan ang nahuhumaling.


Nagsilabasan kasi ang mga reklamo ng mga magulang dahil naaadik na umano ang kanilang mga menor-de-edad na anak sa online sugalan. 


Napakadali kasing ma-access ang mga ito sa pamamagitan lang ng social media.


Sa ilalim ng Senate Resolution 963, kahit na kinikilala nila ang nakukuhang kita ng gobyerno sa mga online gambling ay mas mahalaga pa rin umano ang kapakanan ng mga bata dahil posible silang mapahamak kung mapapabayaan.


Sa panahong ito, talagang napakadali na lang na maglagay ng kung anu-anong application sa ating mga cellphone, kung saan hindi na ito alam o nababantayan ng mga magulang.


Ang nakakapagtaka pa ay kung bakit madali rin ang pagpaparehistro sa mga online sugalan kaya maraming kabataan ang nakakalusot.


Ayon nga sa isang mambabatas, importante nang aksyunan ang operasyon ng mga gaming applications upang mapigilan ang paglala ng dumaraming nabibiktima ng gambling addiction.


Mahalaga rin ang mga ganitong pagsisiyasat upang malaman kung ano ang angkop na batas na magpoprotekta sa mga kabataan.


Umaasa tayo na magtatagumpay ang isasagawang imbestigasyon upang masawata at mapigilan na ang mga online gambling na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page