Ka-partner na si Anne, kaya mukhang ate… JOSHUA, TOTOY PA RIN ANG HITSURA
- BULGAR
- 1 hour ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 12, 2025
Photo File: Joshua Garcia at Anne Curtis - IG
Hanggang ngayon, bata pa ring tingnan si Joshua Garcia, kaya hirap na hirap na ipareha siya sa mga artistang mas mature sa kanya tulad ni Anne Curtis.
Nagmumukha silang mag-ate kapag magkasama sa eksena. Hindi katulad noong sila ni Julia Barretto ang magkapareha, swak na swak sila sa mga rom-com movies.
Marami ang nagsasabing dapat ay magbago ng kanyang hitsura si Joshua. Kailangan niya ng change of image at medyo mag-adjust sa kanyang style ng pananamit, ‘yung puwede siyang pumantay sa tikas nina Gerald Anderson, Rayver Cruz, Jameson Blake atbp., upang mabura na ang kanyang ‘totoy image’.
Mas magiging malawak pa ang oportunidad na darating kay Joshua kapag nagbago siya ng image. Puwedeng-puwede na siyang itambal sa iba’t ibang sikat na leading ladies ngayon at mas magmamarka sa moviegoers ang role na kanyang gagampanan.
Kahit 37-anyos na…
BEA, BABAE AT LALAKI RAW ANG MAGIGING ANAK
Hindi lang ang mga fans ang interesadong malaman kung hahantong sa altar ang relasyon ngayon ni Bea Alonzo sa Chinese billionaire businessman na si Vincent Co ng Puregold. Lahat ay nakasubaybay sa update ng kanilang relasyon.
Marami sa mga fans and supporters ni Bea ang nagwi-wish na sana ay si Vincent na nga ang makatuluyan niya at maging life partner.
Samantala, may ilang psychics naman na interesado ring basahin sa kanilang mga baraha ang kahahantungan ng love life ni Bea. May nagsasabi na isang civil wedding muna ang magaganap bago ang bonggang church wedding. May nagsabi rin na dalawa ang magiging anak ni Bea – isang babae at isang lalaki.
Well, kayanin pa kaya ni Bea ang magkaanak ngayong 37 years old na siya?
Ganunpaman, ang ultimate dream ni Bea Alonzo ngayon ay ang makasal sa lalaking mahal niya at magkaroon ng mga anak.
MAY dapat palang ipagpasalamat ang dating sexy star na si Janice Jurado sa yumaong veteran movie reporter/talent manager na si Lolit Solis, kaya siya nakiramay noong nakaburol si Manay Lolit sa Aeternitas Chapels sa Commonwealth.
Lingid daw sa kaalaman ng marami, nagbigay ng tulong-pinansiyal si Manay Lolit kay Janice nang magkaroon siya ng breast cancer. Ipinadadala raw direkta ni Lolit sa ospital ang bayad para sa pagpapagamot niya at hindi lang minsan, kundi ilang beses siyang tumulong at nagbigay ng medical assistance kay Jurado.
At kabilin-bilinan daw ni Manay Lolit ay huwag na nila itong ipagsabi pa sa iba. Palihim kung siya ay tumulong.
Bukod dito, pinapayuhan din siya ni Manay Lolit kapag nasasangkot sa anumang kontrobersiya. Lahat ng magagandang ginawa ni Lolit Solis ay hindi malilimutan ni Janice Jurado.
SOBRA ang dedikasyon ni Michael V. sa sitcom na Pepito Manaloto (PM) na 15 years nang umeere sa GMA Network. Tinututukan ni Bitoy (Michael V.) ang bawat episode ng PM. Nagbibigay siya ng inputs sa mga writers.
Hindi lang siya writer, siya rin ang nagdidirek ng PM, kaya mas magaan at mas madali ang trabaho nila sa set.
Gamay na gamay na ng buong cast ng PM ang sitcom. Pamilya na ang turing nila sa isa’t isa. Lahat ay masaya at nakikisama upang makapagbigay ng pampamilyang show.
Samantala, may ilang viewers naman ang nagtatanong kung posible bang makapag-guest sa PM si Bea Binene na dating ka-love team ni Jake Vargas, o kaya si Inah de Belen na karelasyon niya ngayon.
Hinahanap din ng marami si Julie Anne San Jose na noong unang mga episodes ng PM ay naging love interest ni Chito (Jake Vargas).