Ka-love team, laglag… BELLE, SUPORTADO ANG MOVIE NI DONNY KAHIT NAG-SOLO
ni Ambet Nabus @Let's See | January 26, 2024

Sure naman kaming hindi napahiya si Donny nang imbitahan niya ang mga kaibigan at buong pamilya noong premiere night ng GG.
Bukod kasi sa very timely ang tema ng movie, napakaganda ng twist nito at madadarang ka sa kakaibang emosyong hatid ng mga eksena.
No less than his love team Belle Mariano ang isa sa mga nanood at nakita naming nag-enjoy sa movie ni Donny. Pagpapatunay lamang na kahit hindi para sa love team nila ang movie, wagas ang suportahan nila.
Namataan din namin sina Andrea Brillantes, Edward Barber, John Arcilla, cast members ng Can't Buy Me Love, Direk Laurenti Dyogi, mga taga-Star Cinema na siyang nag-distribute ng movie, at marami pang iba.
Kahit non-gamer kami, nagustuhan namin ang GG at naunawaan din namin ang pinagdaraanan ng mga mahihilig sa esport.
Iba... mamahalin ninyo ang mga karakter sa movie lalo na si ICE BOX.





Comments