top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ka Leody, labor leader pero tablado sa Mayo Uno, saklap!

BULGAR
May 1, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 1, 2022


PARA MAKARESBAK SA PANG-UUNGGOY NI P-DU30 SA MGA PINOY SA KANYANG MGA CAMPAIGN PROMISE NOON, DAPAT IBASURA SA ELEKSYON SI MAYOR SARA – Noon, sinabihan ni P-Duterte na mga istupido raw ang mga naniniwala sa kanya na magdye-jet ski siya sa West Philippine Sea (WPS) para ipamukha sa China na sa Pilipinas ang WPS kasi ayon sa presidente ay pangkampanya lang daw ang sinabi niyang ito, at kamakalawa ay sinabi ng Pangulo na yabang lang daw niya na pupuksain niya ang illegal drugs sa bansa sa loob ng 3-6 months.


Bukod d'yan, ay hindi rin tinupad ni P-Duterte ang promise niyang wawakasan ng kanyang administrasyon ang kontraktuwalisasyon sa 'Pinas.


Malinaw mga kababayan na pang-uunggoy lang pala ni P-Duterte sa mga Pinoy ang kanyang mga campaign promise noong 2016 presidential election para siya ay iboto ng mga botante, kaya't kung nais ng mga Pilipino na makaresbak sa panloloko sa kanila ng presidente, isa lang ang dapat nilang gawin at ito ay ibasura sa vice presidential race ang anak nitong si Mayor Sara Duterte, period!


◘◘◘


MALI AKALA NI LEODY DE GUZMAN NA SIYA SUSUPORTAHAN NG MGA MANGGAGAWA, KASI SI VP LENI SINUPORTAHAN NG KMU – Si presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo ang sinuportahan ng labor group na KMU (Kilusang Mayo Uno).

Masakit sa damdamin ni presidential candidate, labor leader Leody De Guzman ang ginawang ito ng KMU, kasi inaasahan niya (De Guzman) na siya ang susuportahan ng KMU kasi labor leader siya, tapos ang sinuportahan ay si VP Leni, boom!


◘◘◘


KUNG HINDI MAITUTUROK SA PINOY ANG 27-M DOSES NG BAKUNA, MASASAYANG ANG P13.5-B GINASTOS DITO NG PAMAHALAAN – Sa July 2022 ay mag-e-expire na ang 27 million doses ng bakunang pangontra sa COVID-19 na nasa pangangalaga ng DOH (Dept. of Health).


Kung naging masigasig lang ang DOH sa pagbabakuna ay naiturok na sana sa mga Pilipino ang milyun-milyong bakunang 'yan.


Pero dahil nga tatamad-tamad, kaya ang posibleng mangyari kapag hindi naiturok 'yan sa mga Pinoy at mag-expire sa July 2022 ay sayang ang perang ginastos d'yan ng pamahalaan na nagkakahalaga ng higit P13.5 billion, sayang, tsk!


◘◘◘


KAPAG SI JOY NAGPA-SURVEY SIYA ANG LAMANG, KAPAG SI MIKE ANG NAGPA-SURVEY SIYA NAMAN ANG LAMANG SA MAYORALTY RACE SA QC – Sa Quezon City, kapag si re-electionist Mayor Joy Belmonte ang nagpa-survey ay siya ang lamang, pero kapag ang katunggali niyang si Anak-Kalusugan partylist Rep. Mike Defensor ang nagpa-survey ay siya naman ang lamang.


Dahil d'yan ay hindi malaman ng mga taga-QC kung sino kina Joy at Mike ang llamado sa labanan kasi nga pinagloloko nila sa mga inilalabas nilang survey ang kanilang mga kababayan, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page