Papeles, ‘di naayos agad kaya nagkaproblema… SIKAT NA AKTOR, NAGBENTA NG 2 LUXURY CARS PARA MAIPAGAMOT ANG PADIR

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 20, 2026

BLIND ITEM:
Noong nakaraang taon ay nilapitan ng kilalang aktor ang kaibigan niyang ahente ng mamahaling sasakyan para ipabenta ang dalawa niyang luxury cars dahil kailangan niya ng pera para pampagamot sa amang maysakit.
Ang isa ay naibenta ng nilapitan niyang ahente ng mamahaling sasakyan at ang isa ay wala na kaming ideya kung nasaan na.
Maganda ang transaksiyon ng aktor at ahente dahil matagal na silang magkaibigan at sa kanya rin kumukuha ang aktor ng mga sasakyan.
Maraming kliyente ang ahente ng mamahaling sasakyan at kilala siya sa industriya. Sa katunayan, pati mga kilalang tao ay siya ang laging nilalapitan.
Going back sa sasakyan ay biglang nagkaroon ng problema at naalala namin na baka hindi ito naayos agad dahil pumunta sa ibang bansa ang ahente at dahil siguro smooth naman ang lahat, kaya nagkalimutan na hanggang sa dumating ang sinasabing problema.
Naalala rin namin na ganito rin ang nangyari sa kilalang Filipino-British television-events host at dating motoring editor ng CNN na si James Deakin na nahuli sa Skyway noong nakaraang taon ang anak niya dahil sa violation.
Nang i-check ang papeles, hindi kumpleto dahil hindi pa naayos ng dealer, pero naayos naman na pagkatapos ng lahat.
Anyway, baka inaayos na ngayon ang proper documents ng papeles ng mamahaling sasakyan ng aktor lalo’t parehong kilala ang dalawa.
Ka-collab pa rin ang GMA-7… PBB, INILIPAT SA BAGONG BAHAY PARA MAKATIPID ANG ABS-CBN

Photo: Brent Manalo sa PBB House - IG
Sa nakaraang Annual Stockholders Meeting ng ABS-CBN, nabanggit ni Chief Operations Officer (COO) Cory V. Vidanes na sa susunod na buwan, Setyembre, ieere ang Gandang Gabi Vice (GGV).
Aniya, “Gandang Gabi Vice, the new season, will come back next month on GMA, iWant, and Kapamilya Channel.”
Matatandaang pumirma si Vice Ganda ng bagong kontrata sa ABS-CBN at isa pang programa sa Kapamilya na ipapalabas din sa Kapuso Channel.
Inihayag din ni CVV (tawag kay Tita Cory) ang bagong season ng Pinoy Big Brother (PBB) at sa unang pagkakataon ay sa isang bagong bahay ito gagawin dahil mas nakakatipid daw.
“We are launching Pinoy Big Brother Collab 3.0 in October in partnership with GMA. Yes, we are moving to a new PBB house that will be more cost-efficient for us,” sabi pa ng TV executive.
Nabanggit din ni ABS-CBN President Carlo Katigbak sa Annual Stockholders Meeting na gumawa ng kasaysayan ang ABS-CBN sa pamamagitan ng matagumpay na kolaborasyon sa PBB kasama ang GMA Network noong 2025.
Sa kasalukuyan ay wala pang ibinigay na detalye tungkol sa GGV kung ano’ng oras at araw ito mapapanood, at sa PBB dahil ongoing pa ang auditions.





Comments