top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

K-12 graduate, tulungan para ‘di tambay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 15, 2024


Editorial

Sa gitna ng isinasagawang pagtukoy sa mga naging problema sa K-12 program, inihayag na mas marami na umanong kumpanya ang bukas na mag-hire ng mga senior high school graduate.


Ito ay batay umano sa isang pag-aaral na isinagawa ng Philippine Business for Education (PBEd).


Sa ilalim ng 2024 Jobs Outlook Study ng PBEd, lumabas dito ang tumataas na posibilidad ng pag-hire ng mga kumpanya sa mga K-12 graduate kung saan apat mula sa limang firms ay handang mag-hire ng mga senior high school graduate.


Ang naturang pag-aaral ay sumaklaw sa 299 participants na kinabibilangan ng 14 na malalaking kumpanya habang 86% ay binubuo ng micro, small and medium enterprises (MSME).


Patunay umano ito sa potensyal ng K-12 program ng bansa, kung saan ay nagagawang makapag-produce ng employable graduates.


Masasabing malaking pagbabago na ito kumpara sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2008 kung saan, isa mula sa limang firm lang ang ‘willing’ na mag-hire ng senior high graduates.


Samantala, lumalabas din sa naturang pag-aaral na 27% ng mga entry-level jobs sa bansa ay posibleng pupunan ng mga senior high graduate habang ang 73% ay pupunan pa rin ng college graduates.


Nangangahulugan ito na may paraan upang mapigilan na mauwi sa pagiging tambay ang mga estudyanteng pinangakuan ng trabaho pagka-graduate ng K-12. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page