top of page

Juvenile Championship at Lakambini Stakes Race sa Naic

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2020
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 7, 2020



Nakatakdang maganap ang laban sa susunod na linggo ang 2020 Philracom Juvenile Championship at Lakambini Stakes Race Saddle and Club Leisure Park, Naic, Cavite.


May nakalaan na P2-M ang papremyo sa apat na makatatawid sa finishline na ang unang premyo ay makatatanggap ng P1.2-M ang magiging kampeon sa Juvenile Championship.


Magaganansiyahan ng P450,000 ang 2nd place, may P250,000 ang 3rd place at mapupunta ang P100,000 sa 4th place. Tatanggap ng P70,000 bilang horse breeder ang kabayong magkakampeon.


Labindalawa ang kalahok sa “Juvenile Championship” na titikada sa 1,600 meters na pangungunahan ng Ambisioso,Flattering You, Forest Gump, Hook On D Run, Kevlar, King Tiger, Lovely Julliane, Luke Skywalker, Meteora, Money Changer,Tiger Boy at Tomorrow Land.


Mahigpit na maglalaban ang Flattering You, King Tiger at Tiger Boy. Magtatagisan ng bilis at lakas ng hininga ang mga kababaihang mananakbong kabayo sa “Lakambini Stakes Race” sa naturang karerahan.


Ang mga kalahok na Bell Bell, Calbayog, Cam from Behind, Nicole’s Favorite, Radio Gaga, Runway at Zenaida ay tatawid sa 1,600 meters. Naghihintay ang papremyong P1-M na hahatiin sa unang apat na makatatawid sa finishline. Tatanggap ng P600,000 ang 1st place, mapupunta sa 2nd place ang P225,000 at makatatanggap ng P125,000 ang 3rd place at ang P50,000 ay sa 4th place.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page