top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Jury head daw ng MMFF 2023… KALAT NA: PIOLO AT MOVIE, NILAIT NA CHARARAT NI DIREK CHITO

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | December 21, 2023




Kumakalat ang text message hinggil sa diumano'y pagpintas ni Direk Chito Roño sa Mallari at Firefly, dalawa sa mga MMFF 2023 entries.


Ayon sa text messages na kumakalat, si Direk Chito raw ang uupong Jury head na magde-determine ng mga possible nominees and winners come awards night.


Ang nakakaloka sa naturang text messages, pinalalabas du'n na pinintas-pintasan nito ang Mallari entry bilang "chararat" at sinabi pang pinakapangit umanong performance ni Piolo Pascual, ganundin ang sinabi umano nito sa Firefly na pangit din.


Sinubukan naming kontakin ang mga numerong nagpadala sa amin ng mga naturang mensahe pero dedma naman ito. 


Nag-try din kaming magtanung-tanong sa ilang tao na bahagi ng MMDA at MMFF, pero wala raw silang alam o kaalaman sa ganu'ng pangyayari at maging sila ay nagulat at napadalhan ng naturang mensahe.


Grabe, ha? Hindi pa man nagsisimula ang pestibal ay may mga ganito nang panggugulo sa kung saang source nagmula.


Kasumpa-sumpa talaga ang mga mapangahas na ginagamit ang social media para mag-disseminate ng ganitong mga balita?


Alam kaya ito ni Direk Chito Roño? Direkta kasing paninira sa kanya ang naturang mensahe.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page