July 31 sa Bali, Indonesia… MAJA AT RAMBO, IKINASAL NA
- BULGAR
- Aug 1, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 1, 2023

Nagbigay ng heartfelt message si John Lloyd Cruz para kina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa pre-wedding dinner nila para sa kanilang mga guests sa Bali, Indonesia. Pero ang naturang message ng aktor ay ipinaabot niya sa soon-to-be groom ng kaibigan.
Sinabihan niya si Rambo na ingatan si Maja dahil parang tunay na kapatid na niya ito at mahal na mahal din niya.
“Rambo, ‘tol, ingatan mo ‘yang kapatid ko. Naging mabuti ‘yan sa ‘kin. Mahal na mahal ko ‘yan, eh.”
Bukod kay John Lloyd, nagbigay din ng mga mensahe ang iba pang close friends nina Maja at Rambo para sa kanila.
Kahapon, July 31, 2023 ay opisyal nang ikinasal sina Maja at Rambo sa Bali na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan sa showbiz. Kitang-kita ang ganda ng aktres suot ang kanyang wedding gown.
Ibinahagi ng newlyweds at ng mga kaibigan nila ang ilang larawang kuha mula sa ginanap na wedding sa kani-kanilang Instagram account.
Ang short but sweet caption naman na inilagay ng mister ni Maja na si Rambo: “MR Forever. 31 July 2023"
Congratulations sa newlyweds!





Comments