Juliana, kaya bilib na bilib sa BF… RICCI, ‘DI NATAKOT HARAPIN SINA RICHARD AT LUCY
- BULGAR

- Mar 29
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 29, 2026

Photo: IG @riciiirivero & @richardgomezph
Kung nilalait at hinuhusgahan ng marami ang relasyon ni Juliana Gomez at ng basketball player na si Ricci Rivero, humanga naman ang ilang netizens sa kakaibang tapang ni Ricci nang humarap sa mga parents ni Juliana na sina Richard Gomez at Lucy Torres.
Dito talaga nasubok ang intensiyon ni Ricci sa dalaga nina Richard at Lucy. Pinatunayan niya na sinsero siya sa kanyang intensiyon kay Juliana. Hindi natakot o nasindak ang basketbolista nang makaharap si Goma.
Kaya naman, lalo siyang hinangaan ni Juliana nang pumasa ito sa ‘meet the parents’ challenge.
For sure, maging si Richard Gomez ay humanga rin sa lakas ng loob ni Ricci Rivero na humarap sa kanila ni Lucy Torres. Iyon ang katangiang hanap ni Goma sa lalaking mamahalin ng kanyang anak.
NAMI-MISS na ng kanyang mga tagahanga si John Lloyd Cruz (JLC). Matagal na rin kasing hindi siya gumagawa ng pelikula mula nang mag-semi-retire siya sa showbiz.
At nang magbalik sa telebisyon ay isang sitcom ang kanyang na-produce, ang Happy Together (HT) na ipinalabas sa GMA-7.
Pero ang gusto ng mga fans ni JLC ay gumawa siya uli ng movie na ang katambal ay si Bea Alonzo. Puwede rin kahit sa serye muna sila magsamang muli.
Kaya lang, paano ‘yan, malapit nang ikasal si Bea kay Vincent Co, magkaroon pa rin kaya ng dating ang tambalan nila ni John Lloyd kung sakaling magsasama sila sa isang project?
May mga grupo naman ng fans na gustong si Sarah Geronimo ang makasama ni JLC sa isang movie project. Ilang pelikulang pinagtambalan nina Sarah at John Lloyd ang nag-box office hit at marami pa rin ang nakaka-miss sa kanilang tambalan kaya umaasa ang mga fans na mapakilig silang muli ng tambalang Sarah-Lloydie.
Pero, ang tanong din, payagan pa kaya ni Matteo Guidicelli ang kanyang misis na makatambal uli si John Lloyd? Hindi kaya magselos si Matteo kung kailangan na ng mga kissing scenes sa movie ng misis at ng aktor dahil pareho na silang mature at hindi na kapani-paniwala ang love story kung wala pa ring kissing scenes?
Well, ano kaya ang masasabi nina John Lloyd, Bea at Sarah sa request ng mga fans?
Maysakit daw kaya no show sa party nina Ria at biyenan, pero nasa EB!... MAINE, TIKOM PA RIN ANG BIBIG SA HIWALAYAN NILA NI ARJO
BAGAMA’T nagbigay na ng pahayag ang kampo ni Arjo Atayde sa isyu ng hindi pagdalo ni Maine Mendoza sa parehong birthday party ng kanyang sister-in-law na si Ria Atayde at father-in-law na si Art Atayde, marami pa ring mga netizens ang nagdududa.
Patuloy ang pag-ikot ng balitang sila ni Arjo ang power couple na hiwalay na.
Ang argumento ng mga nagdududa na may sakit daw si Maine kaya hindi nakadalo sa birthday party, bakit hindi raw ito ang mismong nagsalita at nagpaliwanag?
Isa pa, bakit patuloy naman daw itong lumalabas sa Eat… Bulaga! kung totoong maysakit ito?
May mga fans din ang nagsasabing buntis daw si Maine, kaya minsan ay wala sa mood na lumabas.
Gayunman, kung may problema man sina Maine at Arjo ay natural lang iyon sa mag-asawa. Hindi naman nila hahayaan na mauwi sa hiwalayan ang lahat. Besides, mahal ng pamilya Atayde si Maine Mendoza.
MAGANDA ang plano ng GMA Network sa tambalang Caprice Cayetano at Heath Hornales. Bukod sa kasama sila sa isang upcoming serye ng Kapuso, magkakasama rin sila sa isang pelikulang ipo-produce ng GMA Films.
All-out ang suporta na ibibigay ng GMA-7 kina Caprice at Heath. Huhubugin sila sa larangan ng pag-arte upang mas kuminang ang kanilang talento.
Tulad ng ibang Sparkle Artists, hindi mamadaliin ang pagsikat nila.
Marami silang fans na handang sumuporta para maabot nila ang kanilang mga pangarap.




Comments