top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Julia, kaya 'di raw maidispley bilang GF… FAN KAY GERALD: KARMA MO 'YAN SA PANGGO-GHOSTING KAY BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2021
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 20, 2021




Busog na busog ngayon mula almusal, tanghalian at hapunan si Gerald Anderson at may kasama pang panghimagas dahil sa mga mura at bashing mula sa mga fans ng magkasintahang sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.


Na-bash si Gerald matapos niyang magkomento sa sorpresang inihanda ni Diego sa gf na si Barbie nu'ng January 14 na naka-post sa Instagram account ng anak ni Teresa Loyzaga.


Sa post ni Diego, makikitang pinuno niya ng white balloons, white roses, small white candles at kinabitan ng fairy lights ang bedroom ng young actress.


Caption ni Diego kung saa'y naka-tag ang gf, “I promise to keep that smile on your face [black heart emoji],” na umani ng kilig mula sa mga kapwa celebrities nila.


Nag-comment si Gerald sa post ni Diego ng "Sa Th3rd Floor mo ata natutunan (ang) mga ganyang galawan, bro, ah? Haha! congrats bro@diego loyzaga.”

Ang Th3rd Floor na tinutukoy ni Gerald ay ang sarili niyang fitness center sa Diliman, Quezon City na tambayan din ng ilang kaibigan niyang celebrities gaya ni Diego na suki ng nasabing gym.


Sa biro ni Gerald, ipinahihiwatig niyang posibleng napayuhan si Diego ng mga workout buddies nito sa gym — o maaaring ni Gerald mismo — kung paano magbibigay ng nakakakilig na sorpresa sa isang babae.


Bagama't hindi nagawang mag-reply ni Diego sa pagbati ni Gerald, sobra-sobra ang reaksiyong natanggap ng huli mula sa mga netizens na minasama ang kanyang comment.


Maraming Instagram followers ni Diego ang sumita kay Gerald sa biro nito.


Giit nila, huwag daw “itulad” ni Gerald si Diego sa kanya na manloloko. Wala raw pagkakapareho ang dalawa dahil si Diego ay hindi katulad ni Gerald na “babaero” at “manloloko.”


May isa pang netizen ang nagsabi na, "Patawa 'to si Budoy, damay pa niya matinong lalaki sa kataranta**han niya," na may kalakip na emoji. Dagdag pa nito, "@andersongeraldjr Ay, naku, style mo nag-iisa ka lang na manloloko, tumahimik ka."


Ang iba namang netizens, pinayuhan si Diego na huwag susundin ang mga ipinapayo ni Gerald dahil anila, “Hindi maganda galawan niyan.”


Ang ilan namang netizens, hinimok si Gerald na aminin na ang rumored girlfriend niyang si Julia Barretto.


Hindi raw kasi “mai-flex” ni Gerald at ni Julia ang relasyon nila dahil sa "ghosting."


Para sa isang netizen, “karma” umano ang nangyayari kay Gerald na hindi raw “kayang ipagsigawan ang minamahal” dahil sa naging pagkakamali nito sa huling karelasyon na si Bea Alonzo.


Sa lahat ng mga pambabatikos na ito, walang sinagot si Gerald.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page