top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

JULIA, AYAW NANG PINAPAKIALAMAN SILA NI GERALD, TODO-POST NAMAN SA RESORT NG AKTOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 31, 2020
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 31, 2020




Ayon sa mga netizens, ang nakakaintrigang post ni Julia Barretto sa kanyang social media account ay sagot sa ‘pambubuking’ ni Kim Chiu sa kanila ni Gerald Anderson.


Na-mention kasi ni Kim ang pangalan nina Julia at Gerald sa It’s Showtime kamakailan nang 'maparusahan' ang una sa isang segment ng show dahil sa maling sagot.


Dahil dito, may mga naniwalang may namamagitan talaga kina Julia at Gerald at mainit itong pinag-uusapan ng mga netizens.


Kasunod nito, may post si Julia ng photo niya habang tipong naglalakad at ang caption: “Out here minding my own business.”


Eto ang samu’t saring komento mula sa mga netizens.


“Bakit kaya ayaw pa rin nilang umamin? Face wise, bagay naman sila at parehong single.”

“I'm a fan of Julia, at sa mga co-fan ko, honest question, boto ba talaga kayo kay Budoy? Sa true lang. Julia deserves better.”


“Girl, you did not mind your own business. Julia, weh, 'di nga? Nagre-repost ka nga ng resort ni Gerald, minding your own business ba 'yun?”


“Tama. Siya rin nagpapaingay ng issue. Akala mo naman, napaka-private niya para sabihin 'yan. Sige, Julia, paniwalaan mo ang sarili mo. Kaya sobrang nega ka kasi you say one thing pero your actions doesn't match. Ayaw mong pakialaman kayo, eh, di 'wag mag-post na mag-uugnay sa inyong dalawa.”


“I agree. I love Kim Chiu. She may be sabaw most of the time, pero at least, hindi plastic. Saka halata namang nadulas lang siya dahil sobrang inis siya sa ipinagawa sa kanya.”


Sabi pa ng isang netizen, bakit affected daw si Julia?


“Affected. Nagkakatuwaan lang po sila. If 'di totoo, dedma.”


“Minding your own business means you don't step on someone's shoes, and not taking what is not yours.”


"Kim has no right to comment? She only mentioned Julia's name, no comments on anything else..”


May nagsasabi pang magkaibigan daw ang dalawa. Bakit naman daw ilalaglag ni Kim si Julia?


“Aren't they friends? May vid sila dati na nakaangkas si Kim sa kanya. Meron ding mga sleepovers.”


“Friends po sila! And walang masama sa sinabi ni Kim. Kayo lang mga fans ang gusto ng gulo.”


Naku, ha, hindi kaya lalong lumala ang sitwasyon dahil na rin sa mga gatungan ng mga bashers?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page