JULIA-ALDEN MOVIE, MAS DE-KALIDAD KESA SA KATHRYN-DOLLY
- BULGAR
- Oct 25, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | October 25, 2023

Walang dudang nauna ang pag-iingay ng Kathryn Bernardo movie with matching hype kay Dolly de Leon.
Internationally, pinag-usapan din ito dahil sa lakas ng ABS-CBN abroad and yes, dahil nga sa sinasabing naging “brand” ni Dolly after mapansin ang husay nitong umarte sa mga internationally-renowned award-giving bodies gaya ng Golden Globes.
But locally at kumpara sa nilikhang “word of mouth” ng Five Breakups and a Romance movie nina Alden Richards at Julia Montes, parang mas maingay at well-received ito.
Sa dami ng testimonies from those who watched the film, tila mas lumalabas na maganda at de-kalidad ang movie nina Julia at Alden kesa sa movie nina Kathryn at Dolly.
“At mas kapani-paniwala ang pralalang kinita nito kesa sa sinasabing daang milyon ng isa,” mataray na komento ng ilan.
Well, ang pinakaimportanteng nakikita namin dito ay ang katotohanang “napabalik” ng mga respective movies nina Kathryn at Julia ang maraming mga moviegoers sa traditional movie houses.
'Yan ang classic example ng “coopetition,” may kompetisyon pero cooperating pa rin.





Comments