'Jukebox King' na si Victor Wood, pumanaw na sa edad na 75
- BULGAR
- Apr 23, 2021
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 23, 2021

Pumanaw na ang tinaguriang Jukebox King ng Pilipinas noong 1970s na si Victor Wood ngayong Biyernes sa edad na 75.
Ayon sa ulat, isinugod si Victor sa New Era General Hospital, Quezon City at binawian din ng buhay bandang alas-9 nang umaga dahil sa COVID-19 complications.
Si Victor ay mas nakilala sa mga awiting “In Despair,” “Mr. Lonely,” “I'm Sorry My Love,” “I Went to Your Wedding,” “Fraulein,” “Eternally,” “Carmelita” atbp..
Dahil sa pagiging heartthrob, naging bahagi rin si Victor ng pelikula kung saan nakapareha niya si Nora Aunor atbp. leading ladies.
Samantala, nagpaabot din ng pakikiramay sa mga naulila ni Victor ang Eagle Broadcasting Corporation sa kanilang Facebook page na Net 25.
Saad pa ng Eagle Broadcasting Corporation, “Victor Wood. Isa sa mga naging haligi para maging mas makulay at maunlad ang musikang Pilipino.
“Nakikiramay ang Eagle Broadcasting Corporation sa pamilya ng tinaguriang Jukebox King ng Pilipinas sa kanyang pagpanaw.
“Maraming salamat sa kanyang musika.”





Comments