Judoka Nakano, babanat sa Asian Open bago sabak sa SEAG
- BULGAR
- Apr 26, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce @Sports | April 26, 2023

Bago sumabak sa 32nd Southeast Asian Games na idaraos sa Cambodia sa susunod na buwan, lalahok muna ang Filipino-Japanese judoka na si Shugen Nakano sa Asian Open na gaganapin mula sa araw na ito-Abril 26 hanggang 30 sa Sheikh Abdullah Al-Jaber Judo Hall sa Kuwait.
Nakatakda namang idaos ang judo competition sa SEA Games sa Mayo 13-16 sa Chroy Changvar Convention Center sa Phnom Penh. Ang world ranked No.105 , ang 26-anyos na si Nakano ang top seed sa 26 entries sa -66kg category ng Asian Open na lalahukan ng 128 atleta mula sa apat na kontinente.
Kasunod niya bilang second seed si world No.121 Abdulelah Aljayzani ng Saudi Arabia, pangatlo si Aziz Harbi ng Tunisia (No. 154), Mounis Hawsawi ng Saudi Arabia (No. 159), Bolat Bilal ng Kazakhstan (No. 214), Martin Lau ng Hong Kong (No. 231), Erbol Abasbekov ng Kyrgyzstan (No. 251) at Moath Ealsman ng Jordan (No. 262).
"I will do my best to gain momentum in the SEA Games by winning a medal in this (Asian Open) competition," ani Nakano, na target ang kanyang ikatlong sunod na SEA Games gold medal. Kasama ang kanyang kakambal na si Keisei, hangad din ni Shugen na mag-qualify sa 2024 Paris Olympics. Lahat ng torneo na nasa ilalim ng International Judo Federation (IJF) World Tour ngayong taon ay pawang qualifiers para sa Olympics.








Comments