top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

JOSHUA, SINGLE RAW PERO KA-HOLDING HANDS SI BELLA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 3, 2023




Mukhang inilalantad na nang tuluyan nina Joshua Garcia at Bella Racelis ang kanilang relasyon.


Sa concert kamakailan ng Eraserheads, muli na namang nakitang magkasama ang dalawang celebrities.


Ibinahagi ng isa ring concertgoer ang video kung saan magkasama umano ang dalawa sa Eraserheads concert.


Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ang dalawa na minsang nakunan pang magka-holding hands.


Pero nabanggit ni Joshua na siya'y single nang magpunta ang kanilang barkada sa Japan nu’ng Halloween.


Hindi nakawala sa mga mapangmatyag na netizens ang muling pagsasama ng rumored couple.


Kasama rin umano ni Joshua ang mga kaibigang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa concert ng Eraserheads noong Disyembre 22.


Dahil dito, bigla umanong nabalikan ng mga netizens ang naging pahayag ni Joshua kamakailan na 'single' umano siya.


Ayon sa actor, isang patunay dito ay ang Japan trip nilang magkakaibigan kung saan siya lang umano ang walang partner doon.


Sambit ng aktor, "Nandu’n 'yung inggit pero sa 'kin na lang 'yun, ‘di ba? ‘Di mo kailangang sabihin 'yun. May mga times na maiinggit ka. Ang sarap sana ng may kayakap ka rito. Pero kasama mo 'yung mga kaibigan mo. Hindi sila 'yung PDA na nagyayakapan o ano. Parang as one kami. 'Di ko naramdaman na naiwan ako ru’n."


Samantala, naispatan na magkasama rin ang dalawa sa Japan kung saan kasama rin ni Bela ang mga magulang.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page