JOSEPH, ‘DI PA KUNTENTONG NEGOSYANTE, TODO-PASEKSI PA RIN
ni Ambet Nabus @Let's See | March 15, 2023

Speaking of Joseph Marco, sa naging panayam namin dito kaugnay ng latest movie niyang Kunwari Mahal Kita kasama si Ryza Cenon, naikuwento nitong nasa food, production and human resource business siya.
Yes, sa edad niyang nasa early 30’s at aminadong hindi nakapagtapos ng pag-aaral, involved at hands-on siya sa mga negosyong nabanggit.
Mayroon siyang restaurant sa Manila, involved siya sa pagpapatakbo ng negosyong mga shows and concerts at may investment din siya sa manpower business.
“One has to learn. We all need to grow and I took my cue from those who came before me that being in showbiz is really a temporary thing. Kung hindi ko pa lalakasan ang loob ko na pasukin ang mga ganitong ventures, ano na lang ang aasahan ko?” pagbabahagi nito.
Kaya nga raw habang bata-bata pa siya at napagkakatiwalaan ng mga projects, “Trabaho lang,” aniya.
Kasama na nga raw diyan ang hindi niya inasahang pag-viral niya nang lumabas ang mga sexy photos/poses niya sa ineendorsong underwear.





Comments