“Joke” ni P-Digong sa Bulkang Taal, walang natawa!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 03, 2021
‘JOKE’ NI P-DUTERTE SA TAAL VOLCANO, HINDI BUMENTA—Nagpatawa si P-Duterte nang matanong ng mamamahayag tungkol sa pag-aalboroto na naman ng Taal volcano. Aniya, lalagyan na lang niya ng takip ang bulkan — wa’ natawa sa “joke” ng pangulo.
Sa totoo lang ay hindi dapat ginagawang katatawanan sakaling sumabog ang bulkan dahil nakataya dito ay buhay at kabuhayan ng ating mga kababayan sa Southern Tagalog region, period!
◘◘◘
PABAHAY NI P-DUTERTE SA TAAL VOLCANO VICTIMS, JOKE LANG!—Nang sumabog ang Taal volcano noong January 12, 2020, nag-joke rin si P-Duterte na gusto niyang kainin ang ash falls at iihian ang bulkan.
Sa galit ng mga taga-CALABARZON na naapektuhan sa pagsabog ng Bulkang Taal ay pinutakti nila ng batikos si P-Duterte kasi hindi naman katawa-tawa ang nangyari sa kanila, at dahil nabatikos, bilang pampakalma ay pinangakuan ng pangulo ang may 5,000 Taal volcano victims ng pabahay.
Ang masaklap, pati ang promise na pabahay ay joke rin kasi sa budget hearing sa Senado noong Oct. 21, 2020 ay sinabi ni National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada na kaya wala siyang ginagawang pabahay sa mga Taal volcano victims ay dahil wala naman inilaang pondo ang Malacañang, boom!
◘◘◘
SERYOSONG ISYU NA HINDI DAPAT GAWING JOKE, GINAGAWANG JOKE NI P-DUTERTE—Ang mga seryosong isyu ay hindi dapat ginagawang joke ni P-Duterte, kaya lang ay sadyang “joker” ang pangulo.
Tulad ‘yung pramis niyang magdye-jetski siya sa Spartlys Island para ipamukha sa China na sa Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS) ay joke lang pala niya ‘yun para iboto siya ng mga Pilipino, pati ang Diyos at Santo Papa ay biktima rin ng kanyang joke, ang dami rin niyang ‘rape jokes’ at kahit sa panahon ng krisis na dulot ng COVID-19, ang dami rin niyang joke, at kabilang na ang krudo ay puwede raw pang-disinfect at ang dugo ng kabayo pang-anti-bodies daw sa tao, tsk-tsk-tsk!





Comments