top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Join sa TV5… PIOLO, TATAPATAN ANG ASAP NATIN ‘TO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 8, 2020




How true na magkakaroon na rin daw ng show si Piolo Pascual?


May tsikang isa raw si Papa P sa main hosts ng bagong musical variety show ng Kapatid Network na mapapanood tuwing Linggo ng tanghali.


Dahil sa hindi pagsipot ng actor sa ‘ASAP Natin ‘To’ kahapon, September 6 sa Kapamilya Channel kaya nagkaroon ng haka-haka ang mga netizens.


Aba, kung matutuloy nga ang variety show ng TV5, ang makakatapat ng show ay ‘ASAP Natin ‘To.’


Hindi naman daw malayong matuloy ang mga nakaambang proyekto ng TV5 dahil ang napapabalitang consultant ngayon ng Kapatid Network ay si Mr. Johnny Manahan ng Star Magic.


Kung totoo raw na si JM nga ang consultant may posibilidad na mabibitbit niya ang mga talent ng Star Magic at maging ang artista na nasa Cornerstone.


May haka-haka rin na makakasama umano si Maja Salvador sa Sunday variety show.

Samantalang sa parte naman ni Jericho Rosales under negotiation pa rin daw kung join ang actor.


Sa ngayon tahimik pa ang kampo ng TV5 sa mga naglalabasang balita tungkol sa mga big stars ng ABS-CBN.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page