top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

JOEY, PROMOTOR NG AWAY SA MGA NOONTIME SHOWS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 7, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | July 7, 2023



Hindi nagustuhan ng madlang pipol at mga Dabarkads ang naging komento ni Joey de Leon hinggil sa ‘helicopter' at 'taas ng floor sa elevator dahil obvious naman daw na patutsada ito sa It’s Showtime host na si Meme Vice Ganda.


Ang kontrobersiyal na caption ni Joey sa kanyang Instagram post: “Ganito kaliit lang ang studio namin sa TV5, parang elevator pero 1,000 floors naman ang taas ng ibinigay ninyong pagpansin sa amin… lagpas helicopter!”


Gumamit kasi ng helicopter ang Unkabogable Star para makatawid mula ELJ Building ng ABS-CBN compound papuntang GMA Network at bumaba rin ito sakay ng elevator upang makisaya sa mga Kapuso employees.


Kaya’t mabilis na pinuna si Joey ng mga netizens at inulan ang kanyang post sa IG ng samu’t saring komento na puro negatibo.


Ayon sa ilang commenters, kahit 76 years old na si Joey ay parang wala pa rin itong pinagkatandaan. Payo naman ng iba pa, sana ay hindi na lang ito nag-post nang ganu’n.


Tila si Joey pa raw ang nagsisimula ng tensiyon at bangayan sa pagitan ng mga noontime shows.


Dapat umano ay naging forgiving at humble na lang ang E.A.T. host sa kung anumang success na meron ang kanilang show.


Lumalabas daw tuloy na kapag nasasaling ang emosyon ng beteranong host ay madali itong gumagamit ng emosyon para magpaawa or magpa-victim.


Pero kapag ito naman daw ang nakakapanakit ng damdamin ng iba via his way of playing with words, para raw itong isang mabangis na ‘leon’ na sakmal lang nang sakmal.


Well, welcome back sa tapatan ng mga noontime shows!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page