top of page
Search
  • BULGAR

JOEY, PINAHIYA SI MILES DAHIL SA PAGIGING MATABA

ni Lucille Galon - Trainee @Entertainment | May 5, 2024




Sikat na naman at trending ngayon ang TV host/ comedian na si Joey de Leon dahil sa ginawa niyang "body shaming" sa actress/TV host na si Miles Ocampo, na umani ng sari-saring reaksiyon mula sa mga netizens at viewers. Nangyari ito nitong May 1, birthday celebration pa ni Miles.


Unang nagbigay ng mensahe si Sen. Tito Sotto, “Dahil birthday mo, wala akong ibang masasabi kundi pataas!"


“Pababa,” sagot ni Miles.


Hirit naman ni Joey, “Pataba, eh, pababa.”


Kaya ang comment ng isang netizen, “Tumandang paurong ‘yung utak ni Joey. ‘Di ba n'ya alam dahil may sakit si Miles kaya tumaba, 'yung maintenance n'ya ‘yung nagpapataba sa kanya."


Dala kaya ng katandaan kung bakit ganito si Joey De Leon, o 'di kaya'y dahil insensitive talaga siya at pangit ang ugali?


Mag-public apology kaya ito para kay Miles gaya ng ginawa niya noon sa isyung mental health, suicide at rape na ginawan niya ng joke.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page