Joel, join na sa special session ni PBBM
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 15, 2026

Photo: File / Senate PH
Nakatakdang dumalo si Senador Joel Villanueva sa special session na ipatatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sa isang video message na ipinalabas sa Sunday service ng Jesus Is Lord (JIL) Church, kinilala ni Villanueva na malaki ang naging epekto sa Senado ng kasalukuyang alitan sa liderato nito.
“The Senate staff should not be caught in the middle of the fight. Hindi puwedeng puro away na lang. Bilang mga lingkod-bayan, prayoridad po dapat natin ang siguruhin na patuloy na nagtatrabaho ang bawat isa sa atin. Lalo na ang Senado para po sa ating mga kababayan,” pahayag ni Villanueva.
“Sa pagkakataon po na magkaroon ng special session, tutuparin po natin ang ating sagradong tungkulin sa ilalim ng ating Saligang Batas. We will be there,” diin pa ng senador.
Nauna nang inirekomenda ng kampo ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian ang pagdadaos ng isang special session matapos mabigong maresolba ng Senado ang alitan sa liderato ng kapulungan bago nag-adjourn sine die noong Hunyo 6. (Mylene Alfonso)lators, taliwas sa sinasabi ng ilang netizen sa social media.
"Every ticket payment directly goes to the national treasury. So, hindi kami kumikita. Hindi kami nasa negosyo ng paniniket... quota or porsyento because that's corruption," wika niya.





Comments