ni Angela Fernando - Trainee @News | April 27, 2024
Emosyonal na nagbahagi ng kanyang kwento ang anak ni Isko Moreno na si Joaquin Domagoso sa panayam nito kasama ni Ogie Diaz kamakailan.
Sey niya, malinaw na sa kanyang binalewala niya n'un ang mga oportunidad na ibinigay sa kanya ng mga magulang lalo pa't naging ama siya nang maaga.
Naiintindihan na raw niya at malinaw na sa kanya ang sakit na dinadala ng bawat magulang pati ang hirap ng mga ito upang maging provider sa kani-kanilang pamilya.
Tsika niya pa, may araw daw na napaiyak siya dahil nagalit ang kanyang ama matapos nilang maglaro ng kanyang kapatid na supposedly ay dapat nag-aaral para sa kolehiyo.
Kahit pa nakapagbitaw ng masakit na salita si Isko sa kanyang anak, never daw sumama ang loob nitong si Joaquin dahil batid niyang para sa ikabubuti rin niya ang mga sinasabi nito.
Humanga naman ang madla dahil naging mas mature na ang outlook ni Joaquin sa buhay kumpara nu'ng ito'y binata pa lang at very irresponsible pa sa mga ginagawang desisyon.