top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Jiujiteira Ramirez, bigay-todo na ang lakas sa ensayo

BULGAR
Jul 8, 2022
2 min read

ni GA - @Sports | July 8, 2022



Todo ensayo sa paghahanda upang maging siyento-por-siyentong preparado si 2019 Abu Dhabi World Pro champion Annie Ramirez para sa sumabak sa Jiu-Jitsu event sa 2022 The World Games simula Hulyo 7 hanggang 17 sa Birmingham, Alabama sa Estados Unidos.


Tatangkain ng Pinay World No.5 sa women’s Ne-Waza 57kgs sa mga bigating bansa sa kanyang kauna-unahang partisipasyon sa 11th edisyon, habang siya ang nag-iisang kinatawan ng bansa sa national Jiu-Jitsu squad matapos makapuwesto sa ika-5th place sa 2021 JJIF World Jiu-Jitsu Championship sa Abu Dhabi noong Nobyembre.

“Almost 90% na yung preparation ko. Need ko na lang magbawas ng max 3kgs. Bawas na lang ng kain. Makukuha naman iyon ng twice a day na ensayo,” pahayag ni Ramirez, na nakatakdang umalis sa Hulyo 11, bago ang nakalinyang laro simula Hulyo 15, na gagabayan ni dating biennial meet medalists coach Gian Dee.

Pinaghahandaan ng two-time Southeast Asian Games gold medalist ang inaasahang mabibigat na makakatunggali, na nakatakdang ganapin sa Bill Battle Coliseum sa loob ng Birmingham Southern College, ang mga manlalaro mula sa France, Israel, Colombia, US at Kazakhstan.

Inamin ng 2022 IBJJF Pan America bronze medalists na nais niyang mabawian ang jiu-jiteira mula sa France at Israel, habang nais muling makaulit kontra Kazakh upang maging malaki ang tsansa sa podium finish, samantalang mas lalong tumibay ang pagkuha ng medalya ng mapabalitaang hindi lalaro ang World No.1 at 2017 World Games champion mula Belgium.

“I guess malaki naman ang chances ko, kase pinaghandaan ko talaga ito. I’m hoping for the best para sa mismong araw ng laban,” wika ng two-time UAAP Judo MVP at multi-national titlist sa Jiu-Jitsu. Bukod sa 57kgs category, nakahanda ring makipagsabayan ang 31-anyos na Hanoi meet champion sa Ne-Waza Open division.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page