JESSY, UMAMING 'DI SILA NATUTULOG NI LUIS HANGGA'T 'DI NAGKAKABATI
- BULGAR

- Sep 23, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 23, 2020

Aminado ang sexy actress na si Jessy Mendiola na hindi perpekto ang relasyon nila ni Luis Manzano bilang magkasintahan.
Kahit apat na taon na raw ang kanilang relasyon, may time na hindi sila nagkakasundo.
Ani Jessy sa isang panayam, "Normal lang naman 'yan sa isang relationship. Lahat naman ng relasyon ay may pinagdaraanang ganyan. Minsan, meron kayong hindi pagkakaintindihan. Or minsan, 'yung pagkakaiba n'yo as individuals, nagka-clash. Marami kaming ganu'n, siyempre, hindi naman namin sasabihing hindi... na wala kaming away ... perfect ang relationship namin. Of course, not," mahabang sabi ng ngayon ay isa na ring TV host via Fit for Life ng TV5.
Kung nagkakaroon daw sila ng tampuhan ni Luis ay agad naman nilang inaayos. Hindi raw sila natutulog hangga't hindi naaayos ang gusot nila.
"Maraming beses na hindi kami masaya. Hindi laging maganda ang relasyon, but at the end of the day, naaayos naman namin bago kami matulog," esplika ni Jessy.





Comments