JESSY, 2 BESES INISNAB SA CHANEL STORE, NAPAHIYA, NA-TRAUMA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 13, 2021

So, hindi lang pala si Asia's Songbird Regine Velasquez at si Tito Boy Abunda ang mga nakaranas ng discrimination minsang mag-shopping sa sosyal na store ng mga branded stuff abroad.
Sa kanyang latest vlog, naikuwento rin ni Jessy Mendiola ang naranasang pang-iisnab daw sa kanya ng staff sa dalawang Chanel branches na kanyang pinuntahan.
Kuwento ng fiancée ni Luis Manzano, “This happened mga three years ago or four years ago. Pumasok ako, tapos nagtanong ako sa isang sales associate if may mga available na mga classic Flap bags.
"Tiningnan niya 'ko from head to toe, tapos hindi niya ako pinansin. Medyo napahiya ako. Ginawa ko na lang, umalis na lang ako. Kasi siyempre, 'di ba, bakit ka pa pupunta doon? Bakit ka pa bibili ng bag kung gaganu'nin ka lang din naman? Bibili naman ako…" ani Jessy na kung titingnan ang kanyang flawless skin, eh, hindi mo iisiping walang pambili dahil kutis-yayamanin, 'no!
Pero ang mas masakit nga, not just once but twice pa palang nakaranas ng discrimination si Jessy.
Patuloy niyang kuwento, "Second time was in Taiwan, recently, mga two years ago lang. Pumunta ako sa isang Chanel store kasi gusto ko namang bumili ng wallet at sunglasses... Ipinapakita ko sa sales associate 'yung pictures ng gusto ko, tapos hindi man lang niya tiningnan 'yung phone ko. Tapos, dinaan-daanan lang niya ako, wala namang tao nu'n."
Kaya dahil du'n, na-trauma na si Jessy at ngayon, sa mga resellers na lang daw ng Chanel siya bumibili para 'di na maisnab.
Well, kung kasama siguro ni Jessy si Luis Manzano that time, eh, baka hindi siya nabastos nang ganu'n ng staff.
Si Luis pa ba ang papayag na mabastos ang kanyang soon-to-be wife?
So, alam na!





Comments