top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Jessica Soho, napaamin si Yorme na ibinulsa ang P50-M natirang campaign funds

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 26, 2022



YORME ISKO, NAPAAMIN NI JESSICA SOHO NA IBINULSA ANG NATIRANG CAMPAIGN FUNDS NOONG 2016–Isa si Jessica Soho ng GMA network sa mga journalist sa bansa na “matalas magtanong” sa mga ini-interview na personalidad, at patunay d’yan nang napaamin niya si presidential candidate, Manila Mayor Isko Moreno na ibinulsa umano nito ang mahigit P50-M na natira sa kanyang campaign funds noong tumakbo siya sa pagka-senador noong 2016 election.


Noon ay maliit lang na kayamanan ang inilalaan ni Isko sa kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth), pero nang bulagain siya ng tanong ni Jessica tungkol sa paglago ng kanyang ari-arian, napaamin si Yorme na ang P50-M dito ay mula sa campaign funds na hindi niya ibinalik sa kanyang mga campaign donor, boom!


◘◘◘


WALA NA MAGBIBIGAY NG PONDO KAY YORME KASI BAKA IBULSA NA NAMAN NIYA–No choice si Mayor Isko kundi amining sinarili niya ang natira sa campaign funds, kaysa naman pagdudahan nito.


Ang hindi nga lang kagandahan sa isyung ito, ngayong kandidato na siya for president ay baka wala nang magbigay ng financial support sa kanya bilang campaign funds.


Siyempre, malamang isipin ng kanyang mga donor, imbes na gamitin sa kampanya ang kanilang donayon ay baka ibulsa na naman ito ni Yorme! Joke-joke-joke!


◘◘◘


MAS MARAMING TUMUTUTOK SA MAINSTREAM MEDIA KAYSA MGA FAKE NEWS BLOGGERS–Sabi ni PAGCOR officials, singer Jimmy Bondoc ay tama lang na hindi dumalo si former Sen. Bongbong Marcos sa interview ni Jessica Soho dahil bully ang network na ito, at waring kinukumbinse pa ang dating senador na sa mga blogger na lang magpa-interview.


Sablay ang pang-uudyok na ‘yan ni Bondoc kay Marcos na dedmahin ang mainstream media kasi sa totoo lang, sa mga interbyu ng mga journalist sa mga kandidato tumututok ang publiko para malaman kung may ibubuga ang kandidato, at hindi sa mga fake news blogger sa social media, period!


◘◘◘


GOVERNOR, CONGRESSMAN AT MAYOR, WALA NANG PAKIALAM SA COVID-19 KASI TUTOK NA SILA SA KAMPANYA–Ang dami na rin tinatamaan ng COVID-19 sa mga probinsiya.


Kunsabagay, hindi na kataka-taka ‘yan kasi ang konsentrasyon ngayon ng mga governor, congressman at mayor sa mga probinsiya ay ikampanya ang kanilang sarili para muli silang iboto, at dedma na lang sila sa laban sa COVID-19 na nagdulot kaya marami sa kanilang mga kababayan ang tinatamaan na ng COVID-19, buwisit!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page