top of page

Jennifer Joy Chua Ong, bagong Court of Appeals associate justice – P-Du30

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 22, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | January 22, 2022


ree

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jennifer Joy Chua Ong, isang opisyal sa ilalim ng kanyang opisina, bilang bagong Court of Appeals associate justice, batay sa mga lumabas na dokumento nitong Biyernes.


Isang source mula sa Malacañang ang nagsabing si Ong ang pinakabagong isang undersecretary sa ilalim ng Office of the President na na-appoint.


Sa 2018 at 2020 government directory ay naitalaga rin siya bilang Presidential Assistant I na may rank ng undersecretary sa ilalim ng Office of the Special Assistant to President.


Sa appointment letter ni Ong, makikitang siya ay na-appoint sa posisyon noong Mayo 20, 2021. Ito ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.


Subalit, ayon kay Supreme Court Spokesperson Brian Keith Hosaka nitong Biyernes, ang letter aniya, “received today (January 21) and Justice Ong took her oath before the Chief Justice this noon.”


Sa mga larawan na nai-share ng Supreme Court Public Information Office (PIO), makikita si Ong sa kanyang oath taking kay Chief Justice Alexander Gesmundo sa Supreme Court nitong Biyernes ng tanghali. Habang naroon din si CA Presiding Justice Remedios Salazar-Fernando sa ceremony.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page