top of page

Jeep swak sa kanal, 15 nadale

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

by Mai Ancheta @News | February 13, 2026



Jeep nahulog sa bangin

Photo: Pampasaherong jeep nahulog sa kanal sa Cuenca, Batangas matapos mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito. (Mai Ancheta)



Sugatan ang 15 pasahero ng isang passenger jeep makaraang mahulog ito sa kanal sa Brgy. Ibabao, Cuenca, Batangas nitong Miyerkules ng hapon.


Patungong Lemery ang jeep nang mag-lock umano ang manibela nito kaya nawalan ng kontrol ang driver at dire-diretsong nahulog sa kanal sa national highway.


Mabilis namang naisugod sa pagamutan ang 15 pasahero ng jeep matapos magtamo ng mga sugat dahil sa insidente.


Ang ibang sugatang pasahero ay inilipat sa ibang ospital para malapatan ng lunas.

Nasa kustodiya na ng Cuenca Municipal Police Office ang 32-anyos na driver ng jeep para sa kaukulang imbestigasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page