top of page
TEKA NGA - PASABOG NI XIAN GAZA NA NANGHIRAM NG CONDO AT LUXURY WATCHES SI ALDEN, SUPOT-FB

Jeep bumaligtad, 16 sugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | October 26, 2026



Jeep tumagilid - Circulated - Infanta Quezon

Photo: Circulated - Infanta Quezon



Sugatan ang 15 pasahero at ang driver matapos bumaligtad ang sinasakyang jeepney sa Infanta, Quezon, nitong Sabado, Oktubre 24.


Ayon sa ulat ng Quezon police, binabagtas ng jeep ang pababang bahagi ng kalsada sa Brgy. Magsaysay alas-6:30 ng umaga nang mawalan umano ng kontrol ang driver dahil sa depektibong preno.


Bumangga ang sasakyan sa mga konkretong harang bago tuluyang bumaligtad. Sakay nito ang 32 pasahero na patungo sana sa isang piknik sa Infanta.


Kabilang sa 15 nasugatang pasahero ang isang apat na taong gulang na batang babae. Hindi naman nasaktan ang iba pang mga pasahero.


Agad na isinugod sa isang ospital sa sentro ng bayan ang mga nasugatan at ang driver upang mabigyan ng kaukulang lunas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page