JB Guce, Born To Run mapapalaban
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 5, 2022
Gagabayan ng isa sa mahuhusay na hinete na si Jessie B. Guce si Born To Run upang harapin ang apat na tigasing katunggali sa magaganap na Condition Race Merged (10) na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.
Si Guce ay dating hinirang na Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year at anak ni legend jockey Jesus "Bong" Cortez Guce na kilala rin sa tawag na "El Maestro".
Makakatagisan ng bilis ni Born To Run sina Runawayfromrosenot, Hookbung Dagat, Box Office at napipisil ng ibang karerista na magbibigay ng magandang laban na My Prancealot.
"Si My Prancealot ang pili ko sa laban na yan, may galing din yang kabayo," saad ni Allan Salvador, karerista. May distansiyang 1,400 meter race ang nasabing event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa pangalawang karera dahil sa carry over na P7,602.20 sa SUPER 6.
May 11 kabayong kalahok sa distansiyang 1,400 meter race kaya paniguradong pahirapan ang mga karerista sa pagpili ng tatayaan.
Ang mga kalahok ay sina Limunsudan Falls, Claudia's Pride, Wild Act, Happy Go Lucky, Sierra Madre, Jacqueline, Viscerion, Waray Na Mayda Pa, Winning Move, Matinloc Island at Celebrity.
Nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P5,000 ang hahamigin ng winning horse owner.
Samantala, walong races ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya masaya na naman ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Mga Pili ni Green Lantern: Race 1. Born To Run (3), Box Office (4)
Race 2. Jacqueline (6), Happy Go Lucky (4), Claudia's Pride (2)
Race 3. Union Run (6), Fruity Pebbles (8), Lady Khaleesi (2)
Race 4. Santiago's Pride (4), Jack Of Clubs (9), Gee's Song (3)
Race 5. Miss Rosario (2), Action Rules (7), Prince Arman (1)
Race 6. Summer Cruise (2), Adarna (5)
Race 7. Stravinsky/Dragon Butterfly (1/1A), Kaka And Bachi (2)
Race 8. Mutya Ng Lucban (14), Fortune Island (1), Dollarama (7)
Patok - Summer Cruise
Pandehado - Stravinsky/Dragon Butterfly





Comments