top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Jazz, Clippers, Bulls at T'Blazers, nanligpit

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 16, 2022





Nagdiwang ang Utah Jazz sa pagbabalik ni All-Star sentro Rudy Gobert at pinarusahan ang Houston Rockets, 135-101, sa Araw ng mga Puso sa NBA kahapon sa Vivint Arena.


Ito ang ika-anim na sunod na panalo ng Jazz at paghaharap ng Fil-Ams na sina Jordan Clarkson ng Utah at rookie Jalen Green ng Houston.


Sa first quarter lang nakasabay ang Rockets subalit walang nagawa na pigilin si Bojan Bogdanovic na may 13 puntos para sa 36-24 na lamang. Sa sobrang ganado ng Jazz ay namuno sa atake sina Donovan Mitchell na may 30 at Bogdanovic na may 22 puntos habang may 16 puntos si Clarkson. Nanguna sa Houston si Kenyon Martin Jr. sa 16 puntos at 13 ang nagawa ni Green.


Ginulat ng Los Angeles Clippers ang Golden State Warriors, 119-104, sa 25 puntos ni Terance Mann. Umapoy sa 33 puntos si Stephen Curry subalit kinapos ang mga kakampi sa second half at umarangkada palayo ang Clippers para sa ika-29 tagumpay.


Nagbabanta pa ang Chicago Bulls na mabawi ang liderato ng Eastern Conference at iniligpit ang San Antonio Spurs, 120-109. Mainit ang shooting ni DeMar DeRozan sa 40 puntos para 37-21 ng Bulls.


Sinamantala ng Portland Trail Blazers ang pagkawala ng big players ng Milwaukee Bucks para sa 112-107 panalo. Bumanat ng 31 puntos si Anfernee Simons at namayani si Jusuf Nurkicna may 23 puntos habang wala sina Giannis Antetokounmpo at Brook Lopez.


Nagwakas ang 11 sunod-sunod na talo ng Brooklyn Nets at pinaluhod ang Sacramento Kings, 109-85. Humugot ng lakas ang Nets sa bagong gwardiyang so Seth Curry sa 23 puntos habang nakalibang sina Kevin Durant, Kyrie Irving at Ben Simmons.


Itinalaga ni NBA Commissioner Adam Silver si sentro Jarrett Allen ng Cleveland Cavaliers bilang kapalit ni James Harden ng Philadelphia 76ers para sa 2022 All-Star Game. Nagpapagaling pa ng pilay sa hita si Harden kaya hindi pa nakakalaro na lumipat mula sa Nets.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page