top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Jazz at Lakers, pinainit nina Clarkson at Davis

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 28, 2021





Sumakay ang bisitang Golden State Warriors sa mainit na shooting nina Andrew Wiggins at Damion Lee sa second half upang makamit ang kanilang ika-apat na sunod na panalo sa Oklahoma City Thunder, 106-98, at manatili mag-isa sa taas ng Western Conference sa aksyon sa NBA kahapon mula sa Paycom Center.


Kinailangan ng Los Angeles Lakers magtrabaho upang takpan ang pagliban ni LeBron James at iligpit ang San Antonio Spurs sa overtime, 125-121, para pumantay ang kartada sa 2-2.


Lamang ang Thunder matapos ang first half, 59-48, subalit nagising ang Warriors at naagaw ang abante sa katapusan ng third quarter at hindi na ito binitawan, 81-76.


Kahit hindi na pumuntos noong 4th quarter, nanguna pa rin si Stephen Curry na may 23 puntos at sinundan ng mga bayaning sina Wiggins na may 21 at Lee na may 20 kung saan may tig-13 puntos ang dalawa sa second half.


Nagsama para sa 10 ng 11 puntos ng Lakers sa overtime sina Anthony Davis at Russell Westbrook at hindi na pinapuntos ang Spurs sa huling minuto upang tuldukan ang halimaw na laro.


Nagsumite si Davis ng 35 puntos at 17 rebound habang may 33 puntos si Westbrook sa gitna ng pagpapahinga ni James dahil sa masakit na bukong-bukong.


Nagpasikat muli si Gilas Pilipinas Jordan Clarkson sa 122-110 tagumpay ng Utah Jazz sa Denver Nuggets.


Ipinasok nina Mike Conley at Clarkson ang magkasunod na buslo maaga sa 4th quarter, 96-93, at 9:47 sa orasan at hudyat para kay Rudy Gobert na mamuno sa paglayo ng Jazz.


Pinasabog ng sentrong Pranses ang 14 ng 23 puntos sa 4th quarter na may kasamang 16 rebound aT sinundan nina Donovan Mitchell ng 22 puntos at Clarkson na may 19 puntos buhat sa tatlong tres.


Gumawa ng 24 puntos si MVP Nikola Jokic para sa Nuggets subalit hindi na naglaro sa second half matapos bumangga ang tuhod kay Gobert na may 1:54 bago magwakas ang first half.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page