top of page
SHEET - REKLAMO SA MTRCB VS. PBB, UMABOT NA SA 2,600_FB Ogie Diaz.jpeg

Japanese Ishii at Yabuki yayariin ng Pinoy boxers

Writer: BULGAR
BULGAR
9 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | November 26, 2026



Pasok sa timbang si Miel Fajardo at Yabuki sa kanilang weigh-in para sa bakbakan ngayon. (jaweboxing)

Photo: Pasok sa timbang si Miel Fajardo at Yabuki sa kanilang weigh-in para sa bakbakan ngayon. (jaweboxing)



Kayang tibagin at agawin ng mga Filipino challengers na sina Miel “Silent Assassin” Fajardo at Zyvyr “Blitz Kid” Medecillo ang mga kampeonato ng mga Japanese boxers na sina reigning IBF flyweight titlist Masamichi Yabuki at World Boxing Association (WBA) mini-flyweight champion Takeshi Ishii, ayon sa pagkakasunod, sa matinding tapatan ngayong araw sa Ebara Wave Arena sa Ota-ku Tokyo, Japan.


Wala nang makaka-awat pa sa nakaambang bakbakan na pare-parehong sumampa sa tamang timbang nang makuha ni Fajardo (14-3-2, 12KOs) ang 111.1 pounds sa flyweight division at kampeon na si Yabuki (20-4, 18KOs) sa 111.54 libra, habang sakto din sa sukat sina Medecillo (9-0, 5KOs) sa 104.28 lbs para sa 105-lb limit at hapon na si Ishii (12-1, 9KOs) sa 104.72 lbs.


Nagpahayag ng paghanga at respeto si Japanese boxing promoter Hideyuki Ohashi sa pambihirang katangiang lakas ng mga suntok nina Filipino title na susubukang tapatan at higitan ang mga kampeong Hapones, matapos na mapansin nito ang mabigat at malalakas ang mga binitiwang suntok sa open workout na ginanap sa Yokohama, Japan ng 2 Pinoy.


Inilarawan ng dating two-time mini-flyweight world champion, promoter ng tinaguriang “The Monster” at unbeaten at undisputed na si Naoya Inoue, na ‘nakakabahala’ umano ang mga lakas at birada nina Fajardo at Medecillo.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page