top of page

Japanese interpreter ng MLB star na si Shohei Ohtani, kinasuhan ng pagnanakaw

  • Writer:  BULGAR
    BULGAR
  • Apr 12, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 12, 2024




Sinampahan ng kasong bank fraud ang dating Japanese interpreter ng Major League Baseball (MLB) star na si Shohei Ohtani nu'ng Huwebes at inakusahan ng pagnanakaw ng $16-milyon mula sa Los Angeles Dodgers power-hitting pitcher upang bayaran ang mga utang sa sugal.


Ayon sa reklamo at affidavit na isinumite sa United States District Court sa Los Angeles, si Ippei Mizuhara, ang akusado, ay nagnakaw ng pera mula sa isang account ni Ohtani na tinulungan niyang buksan at ipinadala nito ang nakulimbat nang walang kaalaman ng player sa isang iligal na sports gambling operation.


Binigyang-diin naman ni U.S. Attorney E. Martin Estrada sa kanyang pagbibigay impormasyon sa ginawang imbestigasyon na walang kinalaman si Ohtani sa nangyari.


Hindi rin nakalimutan ni Atty. Estrada na magpaabot ng kanyang simpatya kay Ohtani na naging biktima sa maituturing na mainit na scandal ngayon sa larangan ng baseball.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page