Japan: North Korea tila nagpaputok ng ballistic missile

ni Jasmin Joy Evangelista | February 27, 2022

Nagpaputok umano ng isang hinihinalang ballistic missile ang North Korea, ayon sa Japan ngayong Linggo.
Ang naturang ‘unidentified projectile’ ay pinaniniwalaang bumagsak na, ayon sa Japan Coast Guard.
Sinabi naman ng South Korean Military na ang naturang projectile ay pinaputok sa bahagi ng karagatan ng Japan.
Kung ang projectile na ito ay isa ngang missile, ito na ang ikawalong round ng missile na ini-launch ng Pyongyang mula nang pumasok ang taong 2022.





Comments