Janno Gibbs, humiling ng privacy sa pagpanaw ng kanyang ama na si Ronaldo Valdez
- BULGAR

- Dec 18, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 18, 2023

Kinumpirma ng singer at aktor na si Janno Gibbs ang pagpanaw ng kanyang ama, ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, sa edad na 76.
"It is with great sorrow that I confirm my father's passing. The family would like to request that you respect our privacy and grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated" saad ni Janno sa kanyang post ngayong Lunes.
Hindi binanggit ni Janno kung ano ang ikinamatay ng kanyang ama.
Nagbigay-pugay naman sa beteranong aktor ang showbiz personalities na sina Kathryn Bernardo, Dimples Romana, at Gary Valenciano.
Kilala si Ronaldo sa kanyang kahanga-hangang mga karakter sa mga pelikulang "Seven Sundays," "Labs Kita, Okey Ka Lang," at "Cedie." Huli siyang napanood sa Kapamilya series na "Too Good To Be True."
Nagsimula ang kanyang karera noong kalagitnaan ng dekada 60, naging isa si Ronaldo sa mga pinakatanyag at pinagkakatiwalaang mga aktor sa local showbiz.





Comments